Facebook

‘Toktok’ rider kinatay ng balut vendor

PINAGSASAKSAK ng isang balut vendor ang isang “toktok” rider habang naglalakad pauwi, Huwebes ng madaling araw sa Barangay Molino 3, Bacoor city.

Kinilala ang biktima na si Christopher Del Rosario alias “Akong”, 37 anyos, residente ng #351, Bgy. Molino 3.

Sa report, tumakas ang salarin matapos ang krimen na nakilala ng mga saksi dahil lagi itong naglalako ng balut sa lugar.

Ayon sa ulat, 12:20 ng madaling araw habang naglalakad pauwi ang biktima sa Esguerra Compound ng nasabing barangay nang sumulpot ang salarin na armado ng patalim at sunud-sunod na inundayan ng saksak ang biktima kahit na nakabulagta na ito.

Hinala ng pulisya, matindi ang galit ng salarin sa biktima.

The post ‘Toktok’ rider kinatay ng balut vendor appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
‘Toktok’ rider kinatay ng balut vendor ‘Toktok’ rider kinatay ng balut vendor Reviewed by misfitgympal on Hulyo 02, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.