Facebook

P10.5m marijuana sinira sa Cebu at Toledo City

NAGKAKAHALAGA ng P10.5 million ng marijuana ang sinira at pagkakadakip sa isang cultivator sa magkahiwalay na operation sa Asturias, Cebu at Toledo City.

Kinilala ang nadakip na caretaker na si Edwin Suplaag Camaongay, 47 anyos, ng Barangay Langosig, Danao City.

Ayon kay PNP Chief, General Guillermo Eleazar, 7:30 ng umaga nang magsagawa ng operation ang pinagsanib na elemento ng Provincial Drug Enforcement Unit/Provincial Intelligence Unit, Asturias Police Station, at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) 7 sa Purok 1, Barangay Kaluangan, Asturias, Cebu

Sa report, sinira ang 10,150 puno ng fully grow marijuana na nagkakahalaga ng P4,060,000.00.

Samantala, sa operation ng pinagsanib na elemento ng Regional Mobile Force Battalion, 82 Infantry Battalion, Toledo City PS, PDEA7, at PDEG-SOU7, sinira ang 32,000 puno ng fully grown marijuana na nagkakahalaga ng P6,400,000 sa Sitio Buyong, Bgy. Matab-ang, Toledo City, 3:00 ng hapon.

Pinaghahanap pa ng mga otoridad ang nakatakas na cultivator na si Florencio Basilis, 40. (Mark Obleada)

The post P10.5m marijuana sinira sa Cebu at Toledo City appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
P10.5m marijuana sinira sa Cebu at Toledo City P10.5m marijuana sinira sa Cebu at Toledo City Reviewed by misfitgympal on Hulyo 28, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.