Facebook

P3.5m ismagel na yosi nasabat sa Zambo

ZAMBOANGA CITY – Nasabat ng mga pulis at tauhan ng Bureau of Customs ang 100 karton ng smuggled na sigarilyo na ipupuslit sana sa Zamboanga City, Huwebes ng madaling araw.

Ayon sa ulat, nagsasagawa ng seaborne patrol ang mga pulis nang mahuli nila ang isang bangka o ang tinatawag nilang “jungkung” sa Manalipa Island.

Nadiskubre ng mga pulis na may karga itong 100 karton ng smuggled na sigarilyo na nagkakahalaga ng P3.5 milyon.

Nasa kustodiya na ng Bureau of Customs ang bangka at ang 4 na crew nito ganoon rin ang mga smuggled na sigarilyo.
Inaalam na ng awtoridad ang pagkakakilanlan ng may-ari ng mga sigarilyo. (Jocelyn Domenden)

The post P3.5m ismagel na yosi nasabat sa Zambo appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
P3.5m ismagel na yosi nasabat sa Zambo P3.5m ismagel na yosi nasabat sa Zambo Reviewed by misfitgympal on Hulyo 16, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.