Facebook

In si Alvin, out si Mark!

Kasali pa rin sa Alvin Patrimonio sa official roster ng Magnolia sa PBA na babalik na sa Linggo. Diumano’y 27 katao lang ang intindi ng ilang prangkisa na isa-submit sa Commissioner’s office kaya minabuti ng manedyer na si Alvin na bigyan prayoridad ang iba na mas kailangan sa venue. Yun pala ay 27 nga pero pwede magpalit-palit ang mga tao kada game.

Napabalita nga rin kasi na tatakbo si The Face sa pagka-mayor ng Cainta sa darating na halalan kaya napaisip ang iba tulad ni Pepeng Kirat na marahil tiyak na paglaot ni Captain Lionheart sa pulitika.

Noong huling maka-chat natin si Kap ay pinagiisipan at ipinagdarasal pang mabuti ang tamang desisyon. May hanggang Oktubre pa siya para magdesisyon. Ika-8 ng Oktubre kasi deadline ng filing ng Certificate of Candidacy sa COMELEC.

Ayon kay Coach Chito Victolero ay matagal ng mukha ng koponan kaya hindi basta-basta pwede mawala sa kanila si Patrimonio. Oo saksi tayo na kahit di na siya player ay siya pa rin hinahanap ng mga tao sa mga event ng Hotshots.

Samantala si Mark Caguioa ay nasa injury list ng Ginabra San Miguel at nasa Estados Unidos rin upang asikasuhin ang ilang personal na mga bagay-bagay. Wala rin sa line-up sina Aljohn Mariano at Art de la Cruz sa ngayon.

Nasa listahan ng NLEX si Kiefer Ravena kahit kinukuha siya sa isang pro-league sa Japan kung saan kasapi rin ang utol niyang si Thirdy. Dapat lang i-honor ni Kiefer ang kontrata. Sana kung paso na ito pero hindi pa eh.

Ire naman si Greg Slaughter na kabilang sa talaan ng Northport ay may umuugong na tsismis na may problema. Hindi pa raw ito bumabalik sa bansa matapos magpabakuna sa USA. Ayon sa mga ulat ay hinahayaan ng coaching staff sa management kung makakalaro o hindi ang Fi-Am sa Batang Pier.

May dalawang pares ng father and son na coach at assistant sa liga. Sila sina Pido at Alfredo II Jarencio sa Northport at ang nagbabalik na sina Chot at Josh Reyes sa Talk N Text. Mga panganay sina Josh at Jaren ng kani-kanilang mga ama.

Yung assistant dati ni Norman Black sa Meralco na si Chris Tan ay step-son naman niya nguni’t noong isang taon pa nawala sa Bolts.

***

Ang NBA Finals na Suns vs Bucks naging best-of-three na lamang dahil naitabla ng Milwaukee ang serye sa 2-2.

Panalo parati ang home team mula Game 1 hanggang Game 4. Kung patuloy ang trend ay 4-3 sa dulo at kampeon ang Phoenix.

Finals MVP naman si Chris Paul kung walang big game si Devin Booker gaya noong Miyerkules kung saan may 42 na puntos ang may suot ng jersey # 1 ng Suns.

***

Dahil maganda feedback nang sabay-sabay na guesting ng Fortaleza Bros sa Boomers’ Banquet ay inimbitahan natin sila muli para naman sa OKS sa ika-26 ng Hulyo.

Bisita natin sina Ric, Rey at Roger sa huling Lunes ng buwang kasalukuyan mula ika-4 hanggang ika-5 ng hapon. Kakaibang tanungan naman ito para sa mga magkakapatid na boksingero. Abangan!

The post In si Alvin, out si Mark! appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
In si Alvin, out si Mark! In si Alvin, out si Mark! Reviewed by misfitgympal on Hulyo 16, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.