Facebook

VisMin Cup… PAGADIAN TARGET ANG SOLO NUMBER ONE

MAGBABALIK-aksiyon ang Mindanao leg ng VisMin Pilipinas Super Cup ngayong Sabado (Hulyo 17) sa bagong venue.

Matapos ang naging desisyon na kanselahin ang dalawang playing dates bunsod nang pag-ulan sa Ipil, Zamboanga Sibugay, balik sa orihonal na venue ang liga sa Plaza Luz Gym sa Pagadian, Zamboanga del Sur para sa maaksiyong triple-bill match.

Bukod sa masamang panahon, nagdesisyon ang league officials na ipagpatuloy ang elimination ng kauna-unahang professional league sa Katimugan matapos ibaba ng Malacanang sa general community quarantine (GCQ) ang lalawigan ng Zamboanga del Sur nitong Huwebes.

“Yes, the games will resume on Saturday, July 17 in Pagadian City,” pahayag ni VisMin Cup COO Rocky Chan.

Target ng Pagadian Explorers na makopo ang ikatlong sunod na panalo sa harap nang homecrowd laban sa Kapatagan (1-1) sa unang laro ganap na 2:00 ng hapon. Magtutuos naman ang Zamboanga City (1-1) at ALZA Alayon (0-1) ganap na 4:00 ng hapon.

Puntirya naman ng Iligan (0-2) na makapasok sa win column sa pakikipagtipan sa Jumbo Plastic-Basilan (1-0) sa tampok na laro sa alas-6 ng gabi.

Orihinal na venue ang Pagadian na magsisimula sanang maging host nitong Hulyo 2, ngunit isinailalim sa mahigpit na modified enhanced community quarantine (MECQ) ang Zamboanga del Sur.(Danny Simon)

 

 

 

 

 

 

 

 

The post VisMin Cup… PAGADIAN TARGET ANG SOLO NUMBER ONE appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
VisMin Cup… PAGADIAN TARGET ANG SOLO NUMBER ONE VisMin Cup… PAGADIAN TARGET ANG SOLO NUMBER ONE Reviewed by misfitgympal on Hulyo 16, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.