Facebook

Pacquiao may pasabog ngayong weekend?

MAY gagawing pasabog si Senador Manny Pacquiao laban sa administrasyon bago tumulak papuntang Amerika para ituloy ang pagsasanay sa boksing ngayong weekend.

Ayon kay Senador Panfilo Lacson ibinahagi sa kanila ni Senate President Tito Sotto ang, pahayag ni Pacquiao na may ibubunyag sa media sa Sabado ukol sa umanoy korupsyon sa pamahalaan.

Desidido aniya si Pacquiao na isiwalat ang katiwalian dahil kumpleto siya sa ebidensya.

Sinabi umano sa kanya ni Pacquiao na hindi siya magsasalita kung walang hawak na ebidensya.

Ayon kay Lacson, pinagsabihan umano sila ni Sotto ni Pacquiao na marami siyang bala laban sa administrasyon.

Magtutungo sa Amerika si Pacquiao ngayong weekend para paghandaan ang laban kontra kay Errol Spence Jr. sa August 21 sa Les Vegas, Nevada.

Samantala inihayag ni Senador Panfilo Lacson na may ibubunyag na anomalya si Senador Manny Pacquiao hinggil sa pamahalaan.
Ayon kay Lacson, ito ang sinabi ni Pacquiao sa kanya at kay Senate President Tito Sotto na mamayang hapon ay tuluyan na nitong ikakanta ang mga umano’y korapsyon.

Giit nito Lacson, desidido si Pacquiao sa kanyang isisiwalat dahil kumpleto ito ng dokumento na siyang gagamitin para patunayan ang kanyang mga paratang.

Dahil dito, pinayuhan nina Lacson at Sotto si Pacquiao na pag-aralan munang mabuti ang kanyang mga ilalabas na umano’y korapsyon dahil magiging matindi anila ang balik nito.

Sa huli, umaasa si Lacson na hindi mauuwi sa personalan ang banggan ng kapwa senador at ng punong ehekutibo.

***

Para sa inyong mga suhestyon, reaksyon at opinyon mag-email lang sa balyador69@gmail.com.
Ugaliing makinig sa programang “BALYADOR” at “WALANG PERSONALAN TRABAHO LANG” mula lunes hanggang linggo 11:00am-12:00noon sa RADYO NG MASA entertainment net radio. tuwing sabado at linggo 12:00nn-12:30pm sa DWBL 1242 kHz am band, tuwing martes 9:30am RADYO NATIN 105.3 FM Pinamalayan at 10:00am RADYO NATIN 102.9 FM Victoria, tuwing huwebes 9:00-10:00am sa 96.9 FM RADYO NATIN Calapan City. Mapapanood livestreaming at Youtube live!

The post Pacquiao may pasabog ngayong weekend? appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Pacquiao may pasabog ngayong weekend? Pacquiao may pasabog ngayong weekend? Reviewed by misfitgympal on Hulyo 03, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.