Facebook

Pagbasura sa 16 counts pork barrel scam ni Revilla ‘di na iaapela ng Ombudsman

KINUMPIRMA ng Ombudsman na hindi nito iaapela ang pagbasura sa 16 na graft charges ni Senador Ramon Bong Revilla, Jr. hinggil sa pork barrel scam.

Kasunod na rin ito ng polisiyang ipinatutupad ni Ombudsman Samuel Martires na hindi na dapat i-apela ang pag-absuwelto ng mga kaso o quashal of information and judgments of acquittal.

Sa inisyung resolusyon ng special first division ng Sandiganbayan noong Hulyo 1 pinagbigyan nito ang demurrer to evidence na inihain ng kampo ni Revilla dahil sa kawalan ng sapat na ebidensya laban dito bagama’t ibinasura ang parehong mosyon ng negosyanteng si Janet Lim Napoles.

Ang demurrer to evidence ay kapareho ng motion to dismiss sa basehang insufficiency of evidence. (Josephine Patricio)

The post Pagbasura sa 16 counts pork barrel scam ni Revilla ‘di na iaapela ng Ombudsman appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Pagbasura sa 16 counts pork barrel scam ni Revilla ‘di na iaapela ng Ombudsman Pagbasura sa 16 counts pork barrel scam ni Revilla ‘di na iaapela ng Ombudsman Reviewed by misfitgympal on Hulyo 08, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.