NAGDEKLARA si Pangulong Rody “Digong” Duterte na tatakbo siyang Vice President pagkatapos ng kanyang termino sa 2022.
Ito ay kung siya ang pipili ng kanyang running mate na Pangulo.
Kasunod narin ito ng anunsyo ng kanyang partidong PDL-Laban na naglabas ng pahayag na isinusulong nila ang pagtakbong VP ni Digong at siya narin ang pipili ng kanyang running mate.
Ang pahayag ni Digong na tatakbo siyang VP ay kinontra ng mga eksperto sa batas at maging ng constitutionalist.
Sabi ni dating Justice Secretary at beteranong Senador na si Frank Drilon, labag sa batas ang paktabong Vice President ng dating Presidente. Bakit? “This is because a vice president can become President anytime in case of resignation, impeachment, death, and incapacity of the President.
While the wording of the Constitution does not prohibit the President to run for any elected position, to run for vice president would contravene the spirit of the Constitution and could pose a serious problem of succession to the presidency later on.”
Sabi naman ng isa sa mga nagpanday ng ating 1987 Constitution na si dating Comelec Commissioner Christian Monsod: “For the President to run for vice president is against the intent of the Constitution. It’s an insidious move to circumvent the constitutional prohibition on reelection because the Vice President is the mandatory line of succession to a vacancy.
Now, if you allow the President to run again as Vice President, that vacancy can be created for a self-serving purpose, which is exactly what the intent is.”
Maliwanag pa sa sikat ng araw ang mga legal explanation na ito ng dalawang eksperto sa batas sa Pilipinas.
Totoo na si dating Presidente Gloria M. Arroyo ay kumandidato uli pagkatapos siyang mapalaya sa kasong Plunder, pero hindi sa pagka-Vice President kundi sa pagka-kongresista sa kanyang distrito sa Lubao, Pampanga.
Sabi naman ng election lawyer na si Tony Macalintal, puede tumakbong Vice President si Digong pagkatapos ng kanyang termino sa 2022. Iyon ay opinion nya lang na maari niyang pagkakitaan ‘pag kinuha siyang abogado ni Duterte. Hehehe…
Sa aking damdamin, dehins talaga puede tumakbong Vice ang dating President. Dahil kapag nangyari ito, ganun nang ganun nalang ang gagawin ng mga presidente pagkatapos ng kanilang termino, ang tumakbong Vice at pipili ng kanilang ka-close o kaanak na running mate for President, at kapag nanalo ay pagbibitiwin nya lang para siya uli ang pangulo o kaya’y magsilbing dummy nalang ang kanyang pangulo. Maliwanag na gusto nilang palusutan ang Saligang Batas. Mismo!
Sa pagkatao ni Duterte, mahirap siyang pagkatiwalaan. Eh halos lahat ng kanyang mga ipinangako noong kampanya ay walang natupad. Nangako siyang wawakasan ang droga sa Pi-lipinas sa loob ng 3 to 6 months, gagawing corruption-free ang gobierno, palalayasin ang mga Chinese sa West Philippine Sea, wawakasan ang rice smuggling, etc… Natupad ba? Nope!
Dito nga lang sa pandemya ng Covid-19, puros drawing ang sinasabing nakabili sila ng milyon-milyong doses ng mga bakuna. Asan? Ang mga dumating puros donasyon ng Japan, US at China. At kung hindi pa bumili ng sariling bakuna ang mga LGU sa Metro Manila, malamang hanggang ngayon iilan palang ang naturukan.
I’m sorry to say this: Wala na akong katiwa-tiwala sa Duterte administration. Kayo, naniniwala pa ba kayo?
The post Pagtakbong VP ni Digong ligal o iligal? appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: