Facebook

Tulak todas, higit P1m shabu nasamsam

TODAS ang isang tulak ng shabu nang pumalag sa buy-bust operation ng pinagsanib na puwersa ng Station Drug Enforcement Unit ( SDEU ) at Provincial Police Drug Enforcement Unit ( PPDEU ) sa General Tinio, Nueva Ecija noong Sabado, July 10.

Ayon sa pulisya, 9:41 ng gabi nangyari ang buy bust sa Barangay Rio Chico, Gen. Tinio. Nakatunog umano ang tulak na nakilalang si Edward de Belen, residente sa naturang barangay, na pulis ang kanyang katransaksyon. Bumunot ito ng baril at tinangka paputukan ang undercover agent, ngunit naunahan siya ng mga operatiba sa paligid. Dead on the spot ang tulak, habang nakatakas ang kasamahan nito sakay ng motorsiklo.

Nakuha sa bangkay ni De Belen ang 22 supot ng shabu na nasa 150 gramo na nagkakahalaga ng P1.2 million at isang kalibre 38 na pistola.

Ang operasyon ay pinamunuan ni Police Major Gerald Fernandez. (Ma. Jessica Erana)

The post Tulak todas, higit P1m shabu nasamsam appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Tulak todas, higit P1m shabu nasamsam Tulak todas, higit P1m shabu nasamsam Reviewed by misfitgympal on Hulyo 12, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.