Facebook

Sundalo patay, 2 sibilyan sugatan sa engkwentro sa N. Samar

NASAWI ang isang sundalo, habang 2 sibilyan ang nasugatan sa bakbakan ng militar at rebeldeng New People’s Army sa Las Navas, Northern Samar.

Kinilala ng 20th Infantry Batalion (IB) ng Philippine Army ang nasawi na si Private First Class John Vincent Bocaboc, miyembro ng community support program sa Barangay Victory, Las Navas.

Ayon sa 20th IB, nagkaroon ng engkuwentro sa 2 panig noong Biyernes nang mapansin ni Bocaboc ang isang armadong lalaki sa barangay.

Nagtamo ng sugat si Bocaboc sa iba’t ibang bahagi ng katawan na kaniyang ikinamatay.

Nasugatan naman sa engkuwentro ang isang barangay tanod at 6 taon gulang na residente.

Kasalukuyang ginagamot ang 2 nasugatan sa Northern Samar Provincial Hospital.

The post Sundalo patay, 2 sibilyan sugatan sa engkwentro sa N. Samar appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Sundalo patay, 2 sibilyan sugatan sa engkwentro sa N. Samar Sundalo patay, 2 sibilyan sugatan sa engkwentro sa N. Samar Reviewed by misfitgympal on Hulyo 12, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.