Facebook

Umbagerong mister pinakulong ni misis

CAMARINES NORTE – Magkapatong na kaso ang kakaharapin ng isang lalaki nang ireklamo ng pang-aabuso ng kaniyang misis at makuhaan pa ng hindi lisensyadong baril sa pagresponde ng mga awtoridad sa bayan ng Capalonga, Camarines Norte.

Sa ulat, Sabado ng gabi nang saklolohan ng mga pulis ang reklamong idinulog ng isang ginang mula sa Purok 2- B, Barangay Itok sa naturang bayan.

Ayon sa biktima na si Mercy Belga, 36 anyos, nakakaranas siya ng psychological abuse mula sa kamay ng asawang si Gerry, 41.

Ibinuking din ni misis na nagmamay-ari ng baril at mga bala ang kaniyang mister.

Dahil dito, agad nagsagawa ng “hot pursuit search” ang mga pulis laban sa suspek na nagresulta sa pagkakaaresto nito at pagkakakumpiska ng isang kalibre 38 baril na naglalaman ng anim na bala.

The post Umbagerong mister pinakulong ni misis appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Umbagerong mister pinakulong ni misis Umbagerong mister pinakulong ni misis Reviewed by misfitgympal on Hulyo 12, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.