NASAWI ang mag-ina nang mabangga ng pickup truck sa Leon, Iloilo noong Hulyo 11, 2021.
Ayon sa Leon PNP, tulak-tulak ni Emilyn Cañonero, 25 anyos, ang bisikletang sinasakyan ng kaniyang anak sa gilid ng kalsada nang mabangga sila ng behikulo.
Agad dinala sa ospital ang mag-ina pero idineklarang dead on arrival ang ina. Makalipas ang ilang oras, binawian din ng buhay ang sanggol habang ginagamot sa ospital.
Tinangka pang tumakas ng 19- anyos na lalaking driver ng pickup truck pero pagdating sa tulay sa Barangay Anonang, Leon, bumangga ito sa gilid at muntik nang mahulog sa ilog.
Sa report, nakainom ng alak ang driver, na nasa kustodiya ngayon ng mga pulis at nakatakdang sampahan ng kasong ‘reckless imprudence resulting in double homicide and damage to property’.
The post Mag-ina patay sa ‘killer pickup truck’ sa Iloilo appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: