Facebook

Pangalan nina Col. Galang at Col. Sebastian gamit ng dalawang nagpapakilalang “kolektor” sa Pasay at Paranaque

WALA umanong habag at konsensiya sina alyas ARBIE at RICKY na kapwa nagpapakilalang “kolektong” ni SPD Officer-In-Charge DID PLt Col Mariano Galang at Parañaque City Chief of Police P/Col. Maximo frial Sebastian Jr.

Iniikutan umano ng dalawang ito ang mga mga beer house, KTV Bar, Club at SPA sa nasabing mga lungsod.

Kinondena naman ng ilang mga barangay officials at mga Bar owner ang pangongotong na ito nina ARBIE at RICKY sa mga kaawa-awang maliliit na beer house na pinagkalooban ng pansamantalang permiso ng mga barangay officials para kumita ng pera habang may pandemya.

Marami sa mga beer house na ito ang nawalan ng hanapbuhay dahil sa sunod-sunod na lockdown na dulot ng salot na covid-19 at ngayon pa lamang bumabangon ang kabuhayan.

Walang kapatawaran ang mga mali at garapal na gawaing ito ayon pa sa mga galit na galit na mga barangay officials at KTV Bar operators.

Ang mga ganitong pangongotong ay gawain lamang ng mga walang konsensiya at batugang tao.

Posibleng nagagamit lamang at kinakaladkad nina alyas ARBIE at RICKY ang pangalan ni Col Galang at Col Sebastian na di kapani-paniwalang papatol sa ganito kagarapal na diskarte.

Hinihiling ng ilang mga barangay officials ng Pasay City at Parañaque City kay Col. Galang at Col Sebastian na arestuhin sina alyas ARBIE at RICKY na ni-namedrop ang kanilang pangalan.

Dapat ding turuan ng leksyon itong sina ARBIE at RICKY upang di pamarisan ng iba.

Hinihikayat din ng mga barangay officials ang iba pang posibleng kinokotongan nina RICKY at ARBIE na magsumbong sa mga barangay upang maidokumento ang reklamo nila laban sa dalawang kotongero.

Pwede rin umanong direktang magreklamo sa PNP Integrity Management and Enforcement Group (IMEG) sa Kampo Crame na responsable sa paghuli at pag-aresto sa mga nangongotong na miyembro ng kapulisan.

Laan umanong tulungan ng mga barangay officials ang mga kaawa-awang mga maliliit NA BEER HOUSE na magsampa ng reklamo laban sa mga korap at scalawag policemen sa tanggapan ng IMEG.

Napag-alaman na P10K kada lingo ang hinihingi nila ARBIE at RICKY sa mga operator ng KTV BAR na sinasabing para diumano sa mga nabanggit na opisyal ng kapulisan?

Nagbanta din ang dalawang kumag na “kolektong” na ipapahuli at ipapasara sila kapag hindi naibigay ang hinihinging lingguhang PAYOLA?

May kasunod… ABANGAN!

***

Para sa inyong mga suhestyon, reaksyon at opinyon mag-email lang sa balyador69@gmail.com.
Ugaliing makinig sa programang “BALYADOR” at “WALANG PERSONALAN TRABAHO LANG” mula lunes hanggang linggo 11:00am-12:00noon sa RADYO NG MASA entertainment net radio. tuwing sabado at linggo 12:00nn-12:30pm sa DWBL 1242 kHz am band, tuwing martes 9:30am RADYO NATIN 105.3 FM Pinamalayan at 10:00am RADYO NATIN 102.9 FM Victoria, tuwing huwebes 9:00-10:00am sa 96.9 FM RADYO NATIN Calapan City. Mapapanood livestreaming at Youtube live!

The post Pangalan nina Col. Galang at Col. Sebastian gamit ng dalawang nagpapakilalang “kolektor” sa Pasay at Paranaque appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Pangalan nina Col. Galang at Col. Sebastian gamit ng dalawang nagpapakilalang “kolektor” sa Pasay at Paranaque Pangalan nina Col. Galang at Col. Sebastian gamit ng dalawang nagpapakilalang “kolektor” sa Pasay at Paranaque Reviewed by misfitgympal on Hulyo 07, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.