Facebook

Kontratang Dumaan sa Ilalim ng Ilong ni Briones

THE first sign of corruption in a society that is still alive is that the end justifies the means. — French author Louis Émile Clément Georges Bermanos

NALUSUTAN nga kaya ang ating butihing kalihim ng edukasyon o baka naman nabukulan?

Ito ang naitanong matapos mapabalitang may ilang alipores si secretary Leonor Briones na nagpalusot ng mahigit isang bilyong pisong kontrata na ibinigay sa isang pipitsuging kompanya para sa paggawa ng mga learning module na gagamitin ng mga estudyan te para sa school year 2021-2022.

Kung ako ang tatanungin, mukhang may kat otohanan ang balita dahil nakita kong pipitsugin din ang ginagamit na mga module ng anak ko. Buklod dito, malaki ang posib ilidad nito dahil naalala n’yo pa ba iyong lumabas na ilang mga pagkakamali sa mga materyales na nilimbag sa nakalipas para sa online o distance learning ng ating mga estudyante.

Ang totoo, may umamin ng DepEd insider at ating impormante na iginawad sa pipitsuging JC Palabay Enterprises ang tinutukoy nating kontrata at sa kabila pa ito na depektibo umano ang mga dokumentong isinumite ng kompanya sa Department of Education dahil sa pakikialam ng isang kongresistang nag-aambisyong maging Senador.

Batay sa dokumentong isinumite, ang JC Palabay Enterprises ay mayroong napakalinggit na net financial contracting capacity (NFCC) na hindi man lang umabot sa PhP100 milyon, pero kahit ganito ang kapasidad nito ay nakuha pa rin nito ang PhP1.1 bilyong halaga ng kontrata para sa third at fourth quarter ng papasok na school year.

Pagtatapat pa ng isang kawani ng kagawaran, nakuha aniyang palabasing kuwalipikado ang JC Palabay Enterprises gamit ang pinalobong NFCC at audited financial statement (AFS) na nagsasabing mayroon na itong PhP1.99 bilyon.

Anito, isang kongresista ang gumapang para makuha ng JC Palabay Enterprises ang nasabing kontrata sa kondisyong ipapasok ang kanyang pangalan sa mga kandidatong susuportahan ng ‘kapatiran’ para sa halalan sa susunod na taon.

Dagdag pa ng impormanteng kasalukuyang kawani ng DepEd, na kung saan bahagi ng kanyang tungkulin ang magrebisa ng mga dokumentong isinusumite ng mga nagnanais lumahok sa bidding para sa mga kontrata ng mga proyekto sa nasabing ahensiya, matagal nang panahong sumasali sa bidding ang JC Palabay Enterprises subalit hindi nananalo dahil sa hindi ito kuwalipikado, batay na rin sa kapasidad ng nasabing kompanya.

* * *

PARA sa inyong komento o suhestyon, reklamo o kahilingan, magpadala lamang ng mensahe o impormasyon sa aking email na filespolice@yahoo.com.ph o dili kaya’y i-text n’yo na lang ako sa aking cellphone numbers na 09054292382 para sa Globe at 09391252568 para sa Smart. Salamat po!

The post Kontratang Dumaan sa Ilalim ng Ilong ni Briones appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Kontratang Dumaan sa Ilalim ng Ilong ni Briones Kontratang Dumaan sa Ilalim ng Ilong ni Briones Reviewed by misfitgympal on Hulyo 07, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.