ARESTADO ang dalawang tao sa pag-aalok ng murang presyo ng Covid-19 vaccines sa pamamagitan ng social media sa Pasay City.
Ang nurse na si Dayrelle Esteban, 35 anyos, ay lumapit sa Pasay City Police nang malaman na ginagamit ang kanyang pangalan sa pagbebenta ng Covid-19 vaccines.
Kasunod nito, ikinasa ang isang entrapment operation sa Roxas Boulevard 6:00 ng gabi at naaresto sina Michelle Parajes, 35; at Angelo Bonganay, 28.
Agad inaresto ang dalawa nang tanggapin ang P50,000 downpayment para sa 56 vials ng vaccines na inialok sa halagang P120,000.
Diumano, inaalok ni Parajes sa social media ang Pfizer, Sinovac at AstraZeneca.
Paglabag sa Cybercrime Prevention Act (Identity Theft) at estafa / swindling ang dalawang naaresto. (Gaynor Bonilla)
The post Pekeng nurse, 1 pa huli sa pagbebenta ng Covid-19 vaccines sa social media appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: