PATAY ang isang armadong lalaki nang magpakilala bilang isang pulis sa isang quarantine checkpoint ng Iligan City PNP.
Kinilala ni Iligan City Police Office director Colonel Rolando Cuya ang napatay na si Saidamen Baguan Decampong, residente ng Papandayan, Caniogan, Marawi City.
Aniya, nagmatigas ang lalaki na tumigil sakay sa kanyang multicab nang parahin ng mga nakabantay na tropa ng ICPS-2 at ng mga elemento ng RMFB-10 sa Quarantine Control Point sa Barangay Maria Cristina dahil sa kuwestionableng kasuotan nito na naka-PNP bull cap, may dalang armas at naka-camouflage jacket.
Nauwi sa habulan at madugong engkwentro ang pag-neutralize sa lalaki.
Laking gulat ng pulisya nang makita sa posisyon ng lalaki at sa loob ng kanyang sasakyan ang 9mm pistol, isang 9mm steel magazine, 9 bala ng 9mm; tatlong basyo ng M-16, RA 9165 Intelligence badge; at NBI Clearance nito.
Walang nakuhang ebidensya ang investigating team ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) na nagpapatunay na isang pulis ang naengkwentro ng tropa ng ICPO-2 at RMFB-10.
Narkuha sa crime scene ang 29 basyo ng M-16, kabilang na ang dalawang 9mm fired bullets at isang basyo ng 9mm.
Wala namang sugatan sa kampo ng mga pulis.
The post Pekeng pulis tigok sa PNP Checkpoint appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: