Facebook

PH pair bigo sa Iran, laglag sa Asian U19 beach volley tourney

LAGLAG na ang First-timers Jayrack Dela Noche at Alexander Iraya sa 3rd Asian U19 Beach Volleyball Championship matapos mabigo sa Iranian foes kahapon, sa Nakhon Pathom, Thailand.

Nalasap nina Dela Noche at Iraya ang 21-12-16 defeat sa kamay ng Iranian’s Amir Reza Zamani at Armin Kami sa crucial na laban na magbibigay sa Filipinos ng karapatan na makapasok sa next round.

Ang Pilipinas ay natalo rin 21-18-21 sa top seed Netitom Muneekul at Wachirawit Muadpha ng Thailand Linggo para malagay sa must-win situation sa Pool A ng paligsahan.

Sa kabila ng pagkatalo, Dela Noche at Iraya ay inaasahang magagamit ang kanilang experience sa tournament kapag sumabak sa 4th Asian U21 Beach Volleyball Championship sa July 12 sa parehong venue.

Sa video na nakapaskil sa Asian Volleyball Confederation Twitter account, ay pinasalamatan nina Dela Noche at Iraya ang kanilang coaches at suporters na nagbigay sa kanila ng kumpiyansa sa kanilang unang international tournament.

The post PH pair bigo sa Iran, laglag sa Asian U19 beach volley tourney appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
PH pair bigo sa Iran, laglag sa Asian U19 beach volley tourney PH pair bigo sa Iran, laglag sa Asian U19 beach volley tourney Reviewed by misfitgympal on Hulyo 05, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.