Facebook

Malaki ang tsansa ng Pinoy Olympians sa Japan

OPTIMISTIKO si Philippine Sports Commission Chairman William “Butch” Ramirez nang ideklara niyang malaki ang tsansa ng 19-strong Tokyo Olympics qualifiers sa kanilang misyong ginintuang kampanya.

“I’m so excited for the result of the hard work of the athletes, coaches, and NSAs on this journey to Tokyo Olympics in this pandemic,” ani Ramirez.

Ang two-time PSC chief ay nagpasalamat sa ating mga atleta sa kanilang sakripisyo at dedikasyon upang maabot ang kanilang pangarap na maging Olympian na ayon sa kanya ay di isang overnight success,, “yung makarating ka lang ng Olympics, parang nanalo ka na rin ng gold. It’s priceless to be in an international competition lalo na sa Olympics” saad ni Ramirez.

“Naniniwala akong may medalya tayo sa Tokyo Olympics. Malamang meron tayo ng gold, silver at bronze medal kasi mayron din tayong mga baguhan na pwedeng gumawa ng surprises. Hindi naman kailangan na umabot ka ng 12 years para maka-medalya ka sa Olympics. Depende talaga sa talento, coaching, exposure, serendipity, at panahon, maraming factors yan.” deklara ng hepe ng naturang sports agency .

Binigyang -diin ni Ramirez na ang preparasyon para sa Olympics ay di lamang isang taunan lang. “ The Tokyo 2020+1 Olympics, preparation started as early as 2016 Rio Olympics. He disclosed that the PSC has spent around 2 billion on the national team’s expenses from that time to present for the national team’s preparation.”

Labingsiyam (19) na Filipino athletes – ikalawang pinakamalaking delegasyon ang ipinadala ng bansa mula noong 2000 Sydney Olympics ang babandera para sa Pilipinas na kinabibilangan nina Ernest John Obiena (athletics), Carlos Yulo (gymnastics), Eumir Felix Marcial (boxing), Irish Magno (boxing), Nesthy Petecio (boxing), Carlo Paalam (boxing), Hidilyn Diaz (weightlifting), Cris Nievarez (rowing), Kurt Barbosa (taekwondo), Margielyn Didal (skateboarding), Elreen Ando (weightlifting), Jayson Valdez (shooting), Juvic Pagunsan (golf), Kiyomi Watanabe (judo), Kristina Knott (athletics), Yuka Saso (golf), Bianca Pagdanganan (golf), Luke Gebbie (swimming) at Remedy Rule (swimming). Na sasabak mula Hulyo 23 hanggang Agosto 8. “I encourage everyone to offer some prayers for our delegation. We need your prayers and your cheers. Win or lose help us. Sana mamayagpag ang atletang Pilipino.” ani pa Ramirez.(Danny Simon)

The post Malaki ang tsansa ng Pinoy Olympians sa Japan appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Malaki ang tsansa ng Pinoy Olympians sa Japan Malaki ang tsansa ng Pinoy Olympians sa Japan Reviewed by misfitgympal on Hulyo 05, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.