Facebook

Piloto o aircraft ang may problema?

LABING-ISANG araw lang ang pagitan ng pagbagsak ng mga bagong sasakyan panghimpapawid ng Armed Forces of the Philippines (AFP).

Hunyo 24, 2021, alas-8:00 ng gabi unang bumagsak ang bagong bago na Black Hawk helicopter ng Phillipine Air Force sa Capas, Tarlac. Anim na sundalong sakay ang nasawi, tatlo rito ay mga opisyal na produkto ng PMA.

Sabi, nagsasagawa ng “night flight training” ang helikopter pandigma na gawang Poland at nagkakahalaga ng P12.1 billion. Kararating lang nito sa bansa nito ring Hunyo.

At nitong Linggo, Hulyo 4, bumagsak naman ang C-130 cargo plane ng AFP sa Paritkul, Sulu. 92 sundalo ang sakay nito. Ayon sa report, 50 ang nasawi sa trahedya, 47 rito ay sundalo, 3 sibilyan (magkapatid na bata at isang buntis) nang sagasaan ng eroplano ang kanilang bahay.

Ang C-130 ay kade-deliver lang din sa Pilipinas mula Amerika noong Enero 2021.

Ang rason ng pag-crash ng C-130 ay nag-overshoot sa runway. Tsk tsk tsk…

Mga bata pa kasi ang piloto ng dambuhalang eroplano. Mga bagong graduate palang yata ng PMA. Baka mga kulang pa sila sa karanasan sa pagpalipad ng malalaking aircraft.

Oo! Mga bago ang mga aircraft na ito. Kaya hindi puwedeng sabihin na may deperensiya ang makina. Ang problema, sa tingin ko, ay sa mga piloto. Kulang na kulang pa sila sa karanasan magpalipad ng malalaki at mga bagong sasakyan panghimpapawid na gawa ng mga mabagong teknolohiya. Mismo!

Anyway, condolence sa pamilya ng mga nasawing sundalo sa trahedya. Sayang na sayang sila, namatay na walang kalaban-laban. Rest well, mga Sir!

***

Konstitusyon ang baguhin…

KINUKUTYA at kinukuwestyon ng mga kritiko ang eduka-syon ng kasalukuyang pinakamagaling na boksingero sa mundo at politiko na si Senador Manny Pacquiao na target maging Presidente sa 2022.

Ang college degree (Political Science) daw ni Pacquiao ay hindi legit, peke, binili lang sa University of Makati. Tinapos niya kasi ito sa loob lamang ng 3 buwan, hindi 4 taon tulad ng sa regular college na itinakda ng Commission on Higher Education.

Bago ito, tinapos din ni Pacquiao ang kanyang high school sa pamamagitan din ng short cut education, na naaayon naman sa batas.

Sa college, pumasok si Pacquiao sa Expanded Tertiary Education Equivalency and Accreditation (ETEEAP). Ito’y isang comprehensive education program sa tertiary level “that recognizes, accredits and gives equivalencies to knowledge, skills, attitudes and values gained by individuals from relevant work. It is implemented through deputized higher education institutions that shall awards the appropriate college degree.”

Ang beneficiaries nito ay mga Filipino na dapat high school graduates, nakapagtrabaho ng at least 5 years sa field na may kinalaman sa academic program. Kailangan lang nilang patuna-yan ang kanilang kahusayan, kapasidad at kaalaman sa field na kanilang pinasok.

Sa madali’t salita, ‘di peke ang college degree ni Pacquiao dahil ito’y programa ng gobierno.

Anyway, sa ating Saligang Batas naman kasi, ang tanging hi-nihingi para maging Pangulo ng Pilipinas ay: Marunong magsulat at bumasa, Filipino citizen, at 40 anyos pataas bago ang araw ng halalan.

Kaya… kung kinukuwestyon natin ang edukasyon ni Pacquiao sa plano niyang pagtakbong Pangulo sa 2022, baguhin muna natin ang ating Konstitusyon, na sa totoo lang ay hindi narin angkop ang ibang nakasaad para sa panahon ngayon. Mismo!

The post Piloto o aircraft ang may problema? appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Piloto o aircraft ang may problema? Piloto o aircraft ang may problema? Reviewed by misfitgympal on Hulyo 05, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.