Facebook

POC CHIEF BAMBOL SA OLYMPICS AT SEAGAMES

OPTIMISTIKO si Philippine Olympic Committee President Abraham ‘Bambol’ Tolentino na sino man sa ating Tokyo Olympics-bound athletes ay makakapag-deliver na ng pinaka-aasam ng gintong medalya sa Olympiyada para sa karangalan ng bansa

Labing-siyam na pambato natin ang pupuntirya ng ginto sa nalalapit nang TOKYO OLYMPICS sa Japan kung saan ay nakasandig ang ekspektasyon ng Sambayanang Pilipino na sa wakas ay makakapag-uwi na ng mailap na Olympic Gold na di pa nakakamit mula nang lumahok ang Pilipinas sa pinaka-higanteng sports spectacular sa mundo ng palakasang nilalahukan ng mga pinaka-pambatong gladyador sa sports ng bawat bansa ng mga kontinente sa daigdig halos isang siglo na ang nakaraan.

“Minimum of one gold at kahit sino sa kanila (Pinoy Olympians) ay deserving na manalo para sa bansa,’ wika ni Tolentino-kinatawan din ng 8th District ng Cavite.

Inanunsiyo rin ni Cong.Bambol ang di gaanong magandang balita sa pagkakaantala ng pagdaraos ng 31st Southeast Asian Games Vietnam 2021 sa Nobyembre-Disyembre at itutuloy na lang ang naturang biennal meet sa susunod na taong 2022 dahil sa panganib na banta ng pandemya sa Hanoi.

Ibig sabihin dito ay mapapahaba ang training at preparation ng ating mga atleta bilang defending overall champion. “At least, we will remain the defending overall champions for another year.” pakunsuwelo ng pinuno rin ng Phil Cycling na si Tolentino.

Ang ating ka-uppercut na si KotsRon na nakabase sa London ay may prediksiyong manggagaling sa gymnastics ang unang Olympic gold…hmm pwede rin sa NSA ni Dave Carter ng judo, sa boxing posible rin, skateboard o pole vault at sa weightlifting…

WANNABET!?

Sa ating Pinoy SEA Games athletes, practice pa more sa atin namang Olympians,, GO for GOLD!!!

Lowcut:Buong kagalakang ipinahayag ni M-24 Maharlika Builders of Guardians founder/ organizer Doc Chito Collantes M24B1024 ang matagumpay na indoctrination, twinning of M-24 at Ka-Pangga in Action, feeding program sa mga kabataan , birthday celebration at bonding ng Kapatiran kamakalawa sa Bgy.Cacarong M .sa Pandi , Bulacan at asahang ito ay masusundan pa sa ibang lunan in the near future. “Pandi, Bulacan Indoctrination, twinning with “Ka-Pangga in Action” group, food feeding program, family swim nite and @ethylopay B1O24F14ChOr2 birthday celebration- a huge success!To all Facilitators, Chapter Organizers, Chapter Officers, Chapter members, Honorary Members, Madonnas, children and Ka -Pangga in Action group, volunteers and guests – Mabuhay!

May the great spirit of M24 Maharlikans, be with us “,pahayag ni Doc Chito.Special acknowledgment kay Sis Mary Boton Pooran ng Toronto.Gayundin kina Sisters Lingling Adora ng Windsor,, Alice Santiago ,Monet Nuguid, Omleht Gyt,Janice Ronquillo.Mga punong-abalang sina Sisters Marilou Laderas dela Cruz, Cleamichelle Gonzales, Pricess Salvan Opay,Nilda Beth Flores , Eutchille Rose,Bros Arvin David, Ariel Manas at Randy Meses.Special thanks to Bgy Captain Gerardo Cruz at kay Bro Raul Garcia and family.Shoutout Supremo Elias Dematera.Bro.Armando Quimirista, MUG NC APQ and Sis Marilou Villanueva.Mabuhay M-24!

The post POC CHIEF BAMBOL SA OLYMPICS AT SEAGAMES appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
POC CHIEF BAMBOL SA OLYMPICS AT SEAGAMES POC CHIEF BAMBOL SA OLYMPICS AT SEAGAMES Reviewed by misfitgympal on Hulyo 11, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.