Facebook

PULIS PINATAY HABANG NAGPAPAGAWA NG KOTSE

PATAY ang isang pulis nang pagbabarilin sa Purok 14, Barangay Poblacion, Nabunturan, Davao de Oro, Lunes ng tanghali.

Kinilala ni Police Major Jesser Vagilidad IV, hepe ng Nabunturan Police Station, ang biktima na si Corporal Rex Emuy, 42 anyos, nakatalaga sa Davao De Oro Provincial Drug Enforcement Unit.

Sa ulat, nagtamo si Emuy ng mga tama ng bala sa iba’t ibang parte ng katawan na kaniyang agarang ikinasawi.

Ayon sa report, nasa isang auto repair shop ang biktima nang dumating ang salarin at pinagbabaril ang pulis.

Narekober ang limang basyo ng kalibre .45 na baril sa pinangyarihan ng krimen.

Patuloy pang nag-iimbestiga ang pulisya sa krimen.

The post PULIS PINATAY HABANG NAGPAPAGAWA NG KOTSE appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
PULIS PINATAY HABANG NAGPAPAGAWA NG KOTSE PULIS PINATAY HABANG NAGPAPAGAWA NG KOTSE Reviewed by misfitgympal on Hulyo 06, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.