LAGUNA – Pinagbabaril-patay ng riding in tandem criminals ang isang piloto na dating pangulo ng Laguna Councilors League (PCL) matapos dumalo sa court hearing sa Barangay VII-C, San Pablo City.
Sa ulat ni Regional Public Information Officer (RPIO) Police Major Mary Ann Crester Torres kay PRO4-A Regional Director Brigadier General Eliseo Cruz, nakilala ang biktima na si Jeffrey Palce, piloto ng Philippine Airlines (PAL), residente ng Bgy. Antipolo, Rizal, Laguna.
Sa inisyal na pagsisiyasat, 9:30 ng umaga nitong Martes matapos dumalo sa court hearing pagdinig si Palce at kanyang mga kaalyado kaugnay ng isinampang kasong Libelo ni Rizal Laguna Municipal Mayor Vener Munoz nang maganap ang pamamaslang.
Naglalakad sa sidewalk patungo sa tanggapan ng kanyang abogado si Palce kasama si Vicentito Visey nang putukan ng isa sa dalawang salarin ang biktima gamit ng kalibre .45 pistola.
Mabilis na tumakas ang mga salarin lulan ng isang motorsiklo, habang ang biktima ay mabilis na isinugod sa Pagamutang Pangmasa ng Laguna ngunit binawian din ito ng buhay sanhi ng pitong tama ng bala sa kanyang katawan.
Hindi naman idinamay sa pamamaril ang kasamahan ni Palce na si Visey.
Si Palce ay dalawang beses nang tumakbong alkalde sa bayan ng Rizal ngunit ‘di pinalad.
Naghain pa ito ng electoral protest sa tanggapan ng Comelec nitong nakalipas na halalan kungsaan kasalukuyan pang dinidinig ang kaso.(Dick Garay)
The post Piloto ng PAL na kumandidatong mayor patay sa ambush sa Laguna appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: