SINUNOG ng isang lasing na mister ang kanilang bahay sa Purok 2, Barangay Bactas, Basud, Camarines Norte, Linggo ng gabi matapos ‘di datnan ang misis nito sa tahanan .
Kinilala ang batang mister na si Lawrence Rivera, 18 anyos.
Ayon sa ulat, nagalit si Rivera nang hindi madatnan sa bahay ang kaniyang kinakasama at anak na babae na nagbunsod dito para sunugin ang bahay gamit ang lighter, at agad na tumakas.
Napag-alaman pa na lasing si Rivera nang gawin ang panununog.
Agad namang rumisponde ang mga pulis ng Basud MPS at Bureau of Fire Protection para sa pag-apula ng apoy. Naapula ang apoy 12: 45 ng umaga ng Lunes.
Tinatayang nasa P150,000.00 ang halaga ng pinsala sa panununog.
Hinahanahap na ng mga pulis si Rivera na mahaharap sa kasong Arson.
The post Batang mister sinunog ang bahay nang ‘di datnan ang misis appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: