NADUROG ang puso ni Nanay Alma nang makita ang kalagayan ng kaniyang 11- anyos na anak na si Gilbert na may kutsilyong nakatusok sa noo. At ang tanong sa kaniya ng anak: “Nanay, mamamatay po ba ako?”
Nakatira ang mag-inang Alma at Gilbert sa Barangay Nabuna sa Aloran, Misamis Occidental. Pangingisda ang isa sa pinagkukunan ng kanilang makakain.
Isang araw, sa kagustuhan ni Gilbert na makatulong sa ama, sumama siya sa pinsang si Wesley upang kumuha ng kawayan na gagamitin nila sa pamimingwit.
Pero nang pauwi na sila, natisod si Gilbert habang hawak ang kutsilyo.
Ang kutsilyo, naitukod niya sa lupa at doon na natusok ang kaniyang noo sa pagbagsak.
Kaagad pinuntahan ni Wesley si Nanay Alma para sabihin ang nangyari aksidente kay Gilbert.
Ang akala ni Nanay Alma, nasugatan lang si Gilbert. Kaya ikinagulat niya nang husto nang makita na may patalim na nakatarak sa noon ng anak.
Lalo pang nadurog ang puso ng ina nang magtanong ang anak kung mamamatay ba siya sa nangyaring aksidente.
Isinugod nina Nanay Alma si Gilbert sa pinakamalapit na ospital na 30 minuto ang layo sa kanila. Gayunman, wala raw kapasidad ang ospital na isagawa ang operasyon sa bata kaya inirekomenda nilang ilipat siya sa ibang pagamutan.
Ang ikalawang pagamutan, isang oras naman ang layo. Nang mga sandaling iyon, apat na oras nang nakatarak sa noo ni Gilbert ang patalim.
Nang isailalim sa CT-scan si Gilbert, nakita kung gaano na siya kalapit sa matinding peligro at maaaring magdulot ng matinding pinsala o kamatayan sa bata.
Masuwerte na nakaligtas sa kamatayan si Gilbert.
The post 11-anyos natusok ng kutsilyo sa noo appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: