“BUHAY at kalusugan ng mga Pilipino ang palaging unang konsiderasyon ng pamahalaan.”
Ito ang pahayag ni Senate Committee on Health Chairman Christopher “Bong” Go kasunod ng pagsasailalim sa Metro Manila sa ilalim ng heightened General Community Quarantine mula August 6 hanggang August 20.
Sinabi ni Go na ang nasabing desisyon ay nakabase sa matinding diskusyon sa pagitan ng mga IATF members, local chief executives at panel of experts mula sa iba’t ibang sektor.
Kaugnay nito, kinumpirma ni Go na umapela siya sa mga ahensiya ng pamahalaan na siguraduing may sapat na pondo para mabigyan ng ayuda ang mga pinakamahihirap at pinakanangangailangan na kababayan sa mga lugar na nasa ilalim ng ECQ.
Ipinaliwanag ni Go na dapat isipin ng pamahalaan na mayroong pamilyang pinapakain ang mga kababayan na pansamantalang mawawalan ng kabuhayan lalo na ang mga daily wage earners at mga isang kahig isang tuka.
Tiniyak din ni Go na nirerespeto niya ang payo ng mga experts na higpitan pansamantala ang mga patakaran para maagapan ang posibleng pagkalat ng COVID-19 Delta variant na lalong magpapahirap sa sitwasyon.
Ipinaalala rin ni Go na dapat lalong paigtingin ang border control at travel restrictions mula sa high-risk countries, mas pagbutihin ang contact tracing at genome sequencing, dapat mas palakasin ang kapasidad ng mga healthcare facilities at mas pabilisin pa ang pagbabakuna.
Giit ni Go, sana ay huwag sayangin ang magandang takbo ng vaccine rollout ngayon at mga natutunan sa nakaraang taon kung saan ayon kay Go ay mas handa na ngayon na harapin ang mga bagong hamon ng Delta variant. (Mylene Alfonso)
The post Sen. Go pinatitiyak ang ayuda na nasa ECQ appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: