Facebook

MTPB nakipaghabulan sa motorista, binaril

PINAGBABARIL ang isang miyembro ng traffic enforcer ng Manila Traffic Parking Bureau (MTPB) nang makipaghabulan sa traffic violator sa Road 10, Tondo nitong Huwebes.

Sa ulat, naitakbo pa sa malapit na ospital ang biktima na hindi pa nakukuha ng imbestigador ang pangalan.

Ayon sa report, nagkaroon ng violation ang driver ng kulay brown na kotseng Mitzubishi sa bahagi ng Juan Luna sa Tondo. Hinabol ito ng MTPB hanggang sa maabutan na sa Road 10 sa may Mel Lopez Boulevard malapit sa flyover.

Bagama’t naibigay pa ng driver ang kanyang lisensya pero bumaba ito at walang sabi-sabing pinaputukan ng dalawang beses ang traffic enforcer.

Nang bumulagta ang biktima, agad tinangay ng salarin ang motorsiklo ng una saka tumakas at iniwan ang kanyang kotse na yuping-yupi ang harapang bahagi dahil may nabangga ito habang hinahabol ng MTPB.

Walang plaka ang kotse ng suspek na maaring dahilan kaya ito hinabol.

Habang isinusulat ang balitang ito, nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng MPD sa insidente kung saan hindi pa batid ang sitwasyon ng MTPB kung ligtas sa binggit ng kamatayan. (Jocelyn Domenden)

The post MTPB nakipaghabulan sa motorista, binaril appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
MTPB nakipaghabulan sa motorista, binaril MTPB nakipaghabulan sa motorista, binaril Reviewed by misfitgympal on Hulyo 30, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.