CAGAYAN – Dalawang high school students ang nasawi nang malunod sa bahagi ng Cagayan River, Centro 5, Tuguegarao City.
Ang mga biktima ay nakilalang sina Elmer Maquiniana, 13 anyos; at Kenneth Magora, 16, kapwa residente ng Taft Street, Centro 5, Tuguegarao City.
Ayon kay Ms. Soledad Sapp, hepe ng City Disaster Risk Reduction Management Council (CDRRMC), malapit sa mga nakalagay na crossblock nakuha ang katawan ng dalawang teenagers.
Nabatid na nagkayayaan ang magkaibigan kasama ang apat pa nilang barkada na maligo sa ilog sa kabila ng mahigpit na pagbabawal dahil madumi na ang tubig ng Cagayan River at hindi na ligtas maligo.
Ilang saglit lamang na sila ay nakababad sa tubig nang biglang lumubog sina Maquiniana at Magora at hindi na muling lumutang pa.
Nagpasaklolo ang kasamahan ng mga biktima sa mga otoridad pero namali pa ang ibinigay na lugar ng drowning incident na nagbigay kalituhan sa rescuers.
Halos dalawang oras ang itinagal ng paghahanap sa katawan ng dalawang biktima bago narekober sa ilalim ng tubig. ((Rey Velasco)
The post 2 estudyante nilamon ng Cagayan River appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: