ISABELA-Matataas na klase ng mga baril at bala ang nasamsam ng pulisya sa pagsalakay sa bahay ng isang magsasaka sa Purok 1, Barangay Sta. Isabel Sur, Ilagan City dito sa lalawigan.
Sa ulat ni Police Lt.Colonel Virgilio Vi-Con Abellera Jr., hepe ng Ilagan City Police Station; kay Col. James Melad Cipriano, Provincial Director ng Isabela Police Provincial Office, ang naaresto ay nakilalang si Bernaldo Sison Fenix, 44 anyos, ng nabanggit na lugar.
Naaresto si Fenix sa bisa ng search warrant na inilabas ni RTC Judge Andrew Barcena ng Second Judicial Region, City of Ilagan sa paglabag sa RA 10591.
Sa paghalughog ng Ilagan City Police Office at Provincial Explosive and Canine Unit ng Isabela Police Police Provincial Office sa bahay ni Fenix, natuklasan ang iba’t ibang matataas na uri ng baril at bala.
Nakuha sa pag-iingat ni Fenix ang isang caliber 38 na baril na walang serial number at may tatlong bala; isang improvised shotgun na may tatlong bala; 2 caliber 22 Strella Parco (952032 at 1450 RP); 1 caliber 22 CO2 rifle Valiente Metal (0790553); isa pang caliber 22 na Eskopetaith (50116); isang replica ng Walter na may markang Carl Walter Labrik model PPKAS caliber 45; anim na bala ng caliber 22; apat na short magazines at 2 long magazines; 2 homemade shotgun barrel; at mga gamit sa paggawa ng mga baril. (Rey Velasco)
The post Bala at matataas na baril nasamsam sa bahay ng magsasaka appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: