DINAKIP ng National Bureau of Investigation- Special Action Unit (NBI-SAU) ang isang nagpapakilalang ahente ng NBI na nangingikil ng pera.
Kinilala ni NBI Officer-In-Charge (OIC) Director Eric B. Distor ang dinakip na si Charlestone Mesa Cañales.
Ayon sa NBI, nireklamo si Canales kaugnay ng panghihingi ng halagang P200,000 bilang mobilization fee sa kanilang paghingi ng tulong nang magkaproblema sila sa seller ng biniling dump truck.
Ipinakilala sa complainant si Canales ng kanyang kaibigan ngunit nang magduda na hindi ito totoong ahente ng NBI, agad nilang ini-report sa NBI-SAU.
Pinayuhan ng NBI-SAU ang complainant na babaan sa P100,000 ang hinihinging pera kungsaan napagkasunduang magkita sa parking lot ng isang bangko sa Quezon City.
Narekober sa suspek ang marked money, NBI badge, smart phone, jacket na may NBI logo, voter’s ID sa ilalim ng kanyang pangalan , black holster, at facemask na may NBI logo. (Jocelyn Domenden)
The post Pekeng NBI agent, huli sa kotong appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: