ARESTADO ang isang babae na nagpanggap na empleyado ng National Housing Authority (NHA) at humihingi ng pera sa mga biktima kapalit ng 100 percent approval ng housing loan sa Antipolo City.
Kinilala ang dinakip na si Norma Camacho, 54 anyos, kawani ng social welfare office ng Antipolo City hall.
Nagkasa ng entrapment operation ang Antipolo Police sa isang kainan sa lungsod kungsaan nakipagkasundo si Camacho na makipagkita sa complainant na hinihingian niya umano ng pera.
Nang kunin na ni Camacho ang pera, dinakip na siya ng mga pulis.
“Sa kabuuang hinihingi ng suspek po ay nasa halagang P40,000 para mapabilis daw po ‘yung pagkakaroon niya ng bahay mula sa NHA. Ang pagkakasabi ng complainant, may previous na rin daw po na transaction na kagayang kagaya rin sa kaniya,” sabi ni Police Lieutenant Dominic Blaza, arresting officer at commander ng PCP 2 ng Antipolo PNP.
Kinumpirma ng city hall na empleyado nila si Camacho pero hindi raw lehitimo ang pakikipagtransaksiyon nito sa housing program at ang pagdadala niya sa pangalan ng NHA.
“Noong atin po itong ipa-check, dahil alam po natin sa ngayon wala naman po talaga tayong pabahay na nagmumula ngayon sa NHA, alam po natin na ito po ay isang uri ng panloloko,” sabi ni Enrilito Bernardo Jr., PIO chief ng Antipolo City Hall.
The post Pekeng NHA huling sa kotong para sa housing loan appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: