NUEVA VIZCAYA- Arestado ang anak ng dating mayor ng Lubao, Pampanga at tsuper nito na nakipagbarilan sa mga pulis at nadakip sa Kayapa, Nueva Vizcaya.
Kinilala ni Police Colonel Ranser Evasco, Provincial Director ng Nueva Vizcaya Police Provincial Office, ang mga nadakip ay sina Bryan Lachica, 43 anyos, anak ng dating alkalde sa Lubao, at tsuper nito na si Bobby Decena, 35, ng San Mateo, Isabela.
Una rito, pinara ng pulisya ang sasakyan ng mga suspek sa national highway sa Banggot, Bambang, Nueva Vizcaya kungsaan isasagawa sana ang drug buy bust operation peronakatunog ang dalawa at pinaharurot ang sasakyan palayo sa lugar.
Hinabol ng mga awtoridad ang dalawa, ngunit pinaputukan sila, kaya nakipagpalitan ng putok ang mga pulis at masuwerte namang walang nasaktan sa magkabilang panig.
Nakuha sa dalawa ang medium sachet ng shabu na buy bust item, P27,000 marked money, 3 medium heat-sealed transparent plastic sachet ng shabu, 8 small heat-sealed transparent plastic sachet ng shabu, isang digital weighing scale, illegal drugs paraphernalia at 2 cellphones.
Narekober rin sa pag-iingat ng mga ito ang isang hand grenade, isang caliber .38 revolver na may 4 bala, at Toyota Vios Sedan na get away car ng mga suspek. (Rey Velasco)
The post Anak ng ex-mayor sa Pampanga at driver timbog sa shabu at baril appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: