AGAD binawian ng buhay ang isang traffic enforcer nang barilin ng dalawang beses ng riding in tandem sa Barangay Caypombo, Sta. Maria Bulacan.
Kinilala ang nasawi na si Mario Domingo alyas “Bangis”, traffic enforcer sa Bgy. Caypombo.
Sa ulat, nakaupo lang sa harapan ng isang laundry shop si Domingo 3:30 ng hapon, Hulyo 29, 2021.
Matapos ang pamamaril, mabilis na tumakas ang mga salarin sakay ng kulay itim na 125 TMX motorsiklo na walang plaka.
Matatandaan na kinasuhan ng Homicide si Domingo noong Hulyo 4 nang iligal na posasan ang isang vendor na namatay makaraang atakihin sa puso.
Kungsaan agad rin nakalabas si Domingo sa kulungan nang makapagpiyansa nitong Hulyo 13 at nakabalik rin sa kanyang trabaho.
Samantala, nakuha sa pinangyarihan ng krimen ang basyo ng kalibre .45 na baril. (Thony D. Arcenal)
The post Traffic enforcer na nagposas sa namatay na vendor tinodas ng tandem appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: