Facebook

Sen. Go sa publiko: ‘Wag maging kampante sa Delta variant; TODA members sa Caloocan, inayudahan

BILANG pagpapatuloy ng gobyerno para balansehin sa proteksyon ng kalusugan ng mga Pilipino habang nagsisikap na makabangon ang ekonomiya ng bansa nagbabala si Senator Christopher “Bong” Go sa publiko na dapat maging mapagbantay sa lalo na sa Delta variant ng Covid-19 at binigyan diin ang pagsisikap ng gobyerno na mailigtas ang buhay.

“Huwag po tayo magkumpyansa lalo na’t may local transmission na ng Delta variant. Patuloy po tayong mag-ingat, sumunod sa mga patakaran, at makipagtulungan sa ating gobyerno,” binigyan diin nito.

“Ang inyong disiplina, kooperasyon at malasakit sa kapwa ay importante para malampasan natin ang mga pagsubok na ito,” dagdag pa ni Sen. Go.

Ayon kay Go ang pagpapatupad ng bansa sa health protocols kabilang ang testing , contact tracing at isolation kabilang sa components ng Covid-19 response measure ay dapat pahigpitin ang pagpapatupad at ang mahigpit na pagbabantay sa border controls para maipatupad ang health service delivery.

“Dito naman sa atin, dapat mas higpitan ang pagpapatupad ng mga kasalukuyang health and safety protocols, katulad ng tamang pagsusuot ng mask at face shield, palaging paghuhugas ng kamay, pagsunod sa social distancing at hindi paglabas ng bahay kung hindi naman kinakailangan” ayon pa sa senator.

Hinikayat din ni Go ang economic frontliners lalo na ang public transport workers na dapat mabakunahan ang mga ito dahil eligible naman sila bilang bahagi ng A4 group sa ilalim ng national vaccination program.

“Magtiwala ho kayo sa bakuna. Huwag ho kayong matakot sa bakuna. Ang bakuna po ang tanging susi o solusyon para unti-unti na tayong makabalik sa ating normal na pamumuhay,” ayon pa dito.

Kaugnay nito ang team Go’s ay nagsagawa ng dalawang hiwalay na pamamahagi ng ng aktibidad nitong nakalipas n Hulyo 22 at 23 bilang tulong sa may 2,000 Tricycle Operators and Drivers Associations member sa Caloocan City bilang bahagi ng pagsisikap na matulungan at mabigyan ng ayuda ang transport sector workers at kabuhayan na naapaektuhan ng Covid-19 pandemic.

“Alam ko pong mahirap ang panahon ngayon. Napakahirap. Marami pong nawalan ng trabaho, marami pong nagsara na negosyo, ‘yung mga ruta ninyo medyo hirap po talaga. Magtulungan lang po tayo,” ani pa ni Go .

Ang relief operation ay isinagawa sa Andres Bonifacio Elementary School nitong Hulyo 22, at sa Grace Park Elementary School nitong nakalipas na Hulyo 23 ay namahagi ng ayuda at tulong ang grupo ni Sen. Go kabilang ang mga miyembro ng TODA.(Boy Celario)

The post Sen. Go sa publiko: ‘Wag maging kampante sa Delta variant; TODA members sa Caloocan, inayudahan appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Sen. Go sa publiko: ‘Wag maging kampante sa Delta variant; TODA members sa Caloocan, inayudahan Sen. Go sa publiko: ‘Wag maging kampante sa Delta variant; TODA members sa Caloocan, inayudahan Reviewed by misfitgympal on Hulyo 27, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.