DALAWANG buwan nalang filing na ng Certificate of Candidacy (CoC) para sa 2022 national/local elections.
Kaya naman may mga unofficial lineup na para sa pagka-senador ang ilang partido.
Ang ruling party na nahati sa dalawang factions ay naglabas na ng unofficial lineup na gawa ng Duterte group. Kabilang sa kanilang senatoriables sina: Benhur Abalos ng MMDA, Martin Andanar ng PCOO, Greco Belgica ng PACC, Silvestre Bello ng DoLE, Gregorio Honasan ng ICT, Salvador Panelo, Arthur Tugade ng DoTC, Mark Villar ng DPWH, Miguel Zubiri, Loren Legarda, JV Ejercito, actors Robin Padilla at Willie Revillame.
Hindi rin nagpahuli ang Lacson-Sotto tandem. Ang kanilang senatoriables ay sina: ex-Sen. JV Ejercito, ex-Sen. Chiz Escudero, reelectionist Win Gatchalian, reelectionist Dick Gordon, ex-Sen. Gringo Honasan (na nasa lineup din ni Duterte), ex-Comelec Commissioner Goyo Larrazabal, ex-Sen. Loren Legarda (nasa lineup din ni Duterte), Congresswoman Lucy Torres-Gomez (na misis ni actor/mayor Richard Gomez), reelectionist Sen. Joel Villanueva, at reelectionist Migz Zubiri (na nasa lineup din ni Duterte).
Nag-anunsyo narin si dating Vice President Jojo Binay na takbong Senador. Kinausap na siya ng Lacson-Sotto tandem.
Ang Pacquiao-lead na faction ng PDP Laban ay malalaman ang tiket ng senatoriables pagbalik ng boxing senator pagkatapos ng kanyang laban kay IBF/WBC Errol Spence sa Agosto 22.
Samantalang ang sa oposisyon, kampo ni Vice President Leni Robredo, sa Setyembre pa raw nila iaanunsyo ang kanilang lineup. Pero malaki ang posibilidad na ito parin ang lineup ng “Otso Diretso” noong 2019, mga taong may talino at prinsipyo wala nga lang salapi. Hehehe…
Kung tatakbo naman si Manila Mayor Isko Moreno, sa Setyembre pa raw ito mag-aanunsyo.
Malakas itong si Isko lalo sa kabataan at kabaklaan. Hehe… Sigurado maraming bilyonaryo ang susugal sa kanya. Pramis! Baka nga maglipatan pa sa kanya ang senatoriables ng kampo ni Digong at ng Lacson-Sotto tandem pag nagkataon. Alam naman natin ang mga politiko… kung sino ang winnable at may pera doon magsisiksikan. You know!!!
Ang isa pang posibleng kumasa sa pagka-pangulo ay si dating Senador Bongbong Marcos. Pag hindi ito pumayag na VP lang ng kampo ni Duterte, malamang bubuo rin ito ng sariling tiket para sa senatorial.
Kaya napaka-exciting ng magiging halalan sa nasyunal. Asahan na nating magbubuhos ng pera ang kampo ni Duterte para makatiyak ng panalo at makaiwas sa posibleng mga kasong kahaharapin kapag nawala sila sa kapangyarihan. Mismo!
So far, kaliskisan nyo na ang mga maagang nagdeklarang tatakbong senador at igo-goole nyo narin ang pagkatao ng mga posibleng kakasa sa presidential derby upang makatiyak na hindi ma-bodol pagdating ng halalan.
***
Napakinggan nyo ba nitong Lunes ang huling SONA (State of the national Address) ni Pangulong Duterte?
Naniwala ba kayo sa kanyang mga sinabi?
Kung naniwala kayo, aba’y suportahan ninyo ang kanyang iendorso sa 2022.
Pero kung feeling ninyo ay bola-bola lang ang SONA ni Duterte, ibasura ang kanyang mga kandidato sa darating na halalan. Ipamukha sa kanila na tayo ang boss nila, hindi sila. Mismo!
The post Senatoriables ni Du30 at ng Pi-Sot appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: