Facebook

Speaker Velasco Makatao, Maliban sa Tauhan Nito at PNP’S “MR Clean” Siguradong Aaksiyon!!!

HINDI matatawaran kung kabaitan at pagiging makatao ang pag-uusapan sa kasalukuyang Speaker of the House kaya nga sa pangalan pa lang labas na ang kabaitan Lord Allan Velasco na mas putok sa bansag na Speaker LAV.

***

Kaya hindi nagkamali si Pangulong Digong na pakiusapan ang tukayo nitong si dating House Speaker Taguig Congressman Alan Peter Cayetano na maghati sila sa 3 taong pagiging speaker of the house ika nga eh Term Sharing na hindi nagatubiling yes Tatay ang sagot.

***

May binitawang salita si Speaker LAV bago pa ilipat sa kanya ang pinakamataas na posisyon sa kongreso na hindi man niya malampasan ang nagawa ng tukayong Alan nito ay pipilitin niyang mapantayan na ikinabilib hindi lang ng kapwa nito kongresista kundi maging ang mga mamamahayag na naka beat sa house of representatives.

***

Sagad sa kabaitan kasama na ang pagiging matulungin sa kapwa kaya ng mabalitaan nito na nagbigay tulong Ayuda ang dating Speaker Cayetano sa mga beat reporters sa house partikular sa mga maliliit na mamamahayag ng dahil sa COVID-19 pandemic at ipasa na sa kanya ang trono hindi rin ito nagatubili na ituloy ang pagtulong sa mga Media people.

***

Sa pagiimbestiga ng Usapang HAUZ mababahiran ng kulay itim ang maputing adhikain ng kasalukuyang house speaker dahil sa isang tauhan nito na hindi makatao, alam nyo kung bakit? Ang usong kasabihan ngayon na sana all partikular sa dating nakakuha ng ayuda kay speaker Cayetano ngayon ay luhaan.

***

Ayon sa source ang dating listahan ng mga nakakatanggap ng tulong ayuda mula sa tanggapan ni Cayetano ay siya ring listahan na ibinigay sa office ni Speaker LAV subalit nagkaroon na ng hokus pokus at sa hindi malamang dahilan ay marami ang hindi na nakatanggap ng ayuda.

***

Nabatid sa source na ang paliwanag ng di makataong tauhan ni Velasco sa hindi napabilang sa hatid tulong ng house speaker ay pinili ng secretariat kung sino lang ang bibigyan siyempre hindi mawawalan ang mga beterano at taheran na media personality.

***

May nakiusap sa tauhan ni Velasco na isama siya sa listahan dahil sa tindinng pangangailangan dulot ng pandemya pumayag naman pero hati sa ayuda at yung iba naman 1/4 lang.

***

Ibinulong din ng source na mukhang magkakatutuo ang matagal ng pangarap ng tauhan ni Velasco na dati Vios lang ngayon kundi Montero ay Innova dahil sa ayuda.

***

Kung sakaling ipagadya ng Panginoong Diyos na magkasalubong kami ni Speaker LAV ay ibubulong ko sa kanya kung sino ang tauhan niyang di makatao na sisira sa kanyang imahe or kahit hindi ko na ibulong itanong na lang niya kay Gerry B. Baldo siguradong alam niya ito…..

***

WALANDYO mukhang madudungisan ang PNP’S “Mr Clean” Image at Mr. Aksiyon Man ni PNP Chief P/ Director Gen. Guillermo Eliazar sa mga kabi kabilang banat at puna sa mga illegal gambling partikular ang Jueteng sa National Capital Region (NCR) maging sa Region 4-A CALABARZON.

***

Sabagay sa daming trabaho na dapat unahin ng magiting na PNP chief tulad ng laban kontra droga, paglilinis sa mga hanay ng tiwaling men in uniform at iba pa eh nakasalalay ang pagsugpo sa tila legal na illegal gambling ay nasa kamay ng mga itinalagang PNP Regional Director, District Director at maging Provincial Director.

***

Unahin nating ipaalam ang umano’y malawak na kalakaran ng Jueteng sa Lalawigan ng Rizal na pinamumunuan ng Gambling Lord na si Aka ” Raniel” na 3x a day ang pagbola na maski sa Bayan ng Jalajala ay umabot na, Panawagan kay Rizal PD P/Col. Joseph R. Arguelles.

***

Siyempre hindi papadaig ang Lalawigan ng Cavite kung illegal gambling din lang ang pag-uusapan di po ba P/Col. Marlon Santos na siyang PNP Provincial Director ng probinsiya, para sa kaalaman mo Sir Santos isang nagngangalang alias John Yap ang may kontrol ng pa Jueteng sa halos lahat ng Siyudad at Munisipalidad sa AOR mo, dapat pa bang ipaalam kay Gob. Jonvic Remulla ang ilegal na gawain ni John Yap siguro wag na lang.

***

Dumako naman tayo sa NCR lumawak lalo ang operasyon ni Alias John Yap dahil nakatalon ang kanyang jueteng operation sa siyudad ng Taguig, habang tangan naman nina alias Tisay at Boyong ang CAMANAVA area na tila pinaglalaruan ang kakayahan ng isa sa kilalang magiting na opisyal ng PNP SPD director, PBGen. Jose Hidalgo Jr.

***

Konting history po ang jueteng ay nagmula sa bayan ng Marikina na ang founder ay ang kilalang si Bolok Santos to make the story short hindi pa rin tumitigil ang jueteng sa siyudad na ang may hawak ay sina alias Pinong at Boy, muntik kong makalimutan ang ibinigay na impormasyon ng aking source na ang lahat ng nabanggit na jueteng personality ay humingi muna ng timbre kay Alias “Reyna”.

***

May suggestion ang Usapang HAUZ sa magigiting na PNP Regional Dir, DD at PD tulad nina Region 4-A CALABARZON Dir. PBGen. Eliseo DC. Cruz, NCRPO Dir. Major Gen. Vicente Danao, EPD Dir, PBGen Matthew P. Baccay at SPD dir. PBGen. Hidalgo, kilala nyo kung gaano ka action man ang ating C/PNP kaya huwag ng hintayin pang siya ang kumilos at mapitcharahan pa kayo….

***

Anumang Reaksiyon, Puri at Puna maaaring mag email sa cesarbarquilla2014@yahoo.com or mag TXT o tumawag sa #0935-2916036

The post Speaker Velasco Makatao, Maliban sa Tauhan Nito at PNP’S “MR Clean” Siguradong Aaksiyon!!! appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Speaker Velasco Makatao, Maliban sa Tauhan Nito at PNP’S “MR Clean” Siguradong Aaksiyon!!! Speaker Velasco Makatao, Maliban sa Tauhan Nito at PNP’S “MR Clean” Siguradong Aaksiyon!!! Reviewed by misfitgympal on Hulyo 01, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.