MATAPOS ang halos isang linggong paghihintay, tanging 33,000 mula sa 400,000 doses ng SINOVAC na binili ng pamahalaang lungsod ng Maynila ang nabigyan ng cdrtificate of analysis (COA) ng Food and Drug Administration (FDA).
Ito ang napag-alaman kay Manila Mayor Isko Moreno, na nagsabi rin na agad ding ginamit ang nasabing doses ng bakuna bilang bahagi ng pagpapatuloy ng mass vaccination ng lungsod nitong June 30.
Nang dumating ang nasabing 400,000 doses sa NAIA Terminal 2 noong June 24 kung saan ito ay personal na sinalubong ni Moreno kasama sina Vice Mayor Honey Lacuna, Manila Health Department chief Dr. Arnold ‘Poks’ Pangan, majority floorleader Joel Chua at assistant secretary Letlet Zarcal, sinabi ng alkalde na higit nilang paiigtingin vaccination program ng lungsod kung saan nais nilang ubusin ang nasabing doses sa loob lamang ng dalawang linggo.
Gayunman, kailangan pa nilang maghintay na bigyan sila ng nire-required na certificate of analysis (COA) ng FDA bago nila gamitin o ibigay ang mga bakuna na sapat sa 200,000 indibidwal.
Ang Maynila ang kaisa-isang lungsod sa daigdig na nagawang bumili ng maramihang Sinovac vaccines, at dahil dito ay pinasalamatan ng alkalde ang national government, Beijing government at Chinese Ambassador to the Philippines na si Huang Xilian.
Samantala ay pinuri at pinasalamatan ni Moreno ang liderato at mga kawani ng MHD sa kanilang ika-81 taong anibersaryo nitong June 30.
“Kayo diyan sa MHD ay isang napakalaking bagay sa pagsagupa natin at pakikipaglaban para proteksyunan ang ating mga kababayan sa COVID at iba pang sakit,” pahayag ni Moreno kasabay ng partikular na pagpuri niya sa mga ginagawa ni Pangan at ni assistant MHD chief Dr. Ed Santos, na aktibomg nasa unahan ng pakikipaglaban ng lungsod kontra COVID-19.
“Happy anniversary. Mag-iingat kayo…alam ko, pagod kayo sa pagbakuna pero konting tiis na lang the more we protect people the better for us,” sabi ni Moreno.
Binigyang diin ni Moreno na ang pamahalaang lungsod ay pinaiiral ang ‘’open policy’ sa vaccination program ng lungsod upang makapagbakuna ng mas maraming indibidwal sa mas mabilis na oras at upang makapag-focus naman ang mga health frontliners ng lungsod sa iba pang mga sakit ng mga residente sa city-run hospitals at health centers.
Binanggit din ni Moreno ang papel na ginagampanan nang maluwag ng mga medical frontliners at ng mga nabibilang sa allied services at siya ngayong tumatao sa Manila COVID-19 Field Hospital na pinamumunuan ni Dr. Arlene Dominguez.
“I know you are all in the hot zone but we need you to address the COVID situation in the city,” pahayag ng alkalde.
Itinayo ang field hospital para doon dalhin at tanggapin ang mga mild to moderate COVID-19 patients mula sa anim na city-run hospitals ng lungsod. Ang nga asymptomatic naman ay dinadala sa quarantine facilities habang ang mga seryosong kaso ay mananatili at aalagaan sa mga city-operated hospitals. (ANDI GARCIA)
The post 33K mula sa 400K na doses ng Sinovac ang binigyan lang ng COA ng FDA — Isko appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: