
HINDI bababa sa 10 katao na sangkot sa investment scam ang naaresto ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) sa isang entrapment operation sa Pasig City.
Sa ulat, sinalakay ng mga tauhan ng NBI-Anti Fraud Division ang opisina ng Massdrop Marketing nang makatanggap ng hudyat mula sa kanilang undercover agent.
Kabilang sa mga naaresto ang may-ari ng kompanya na si Edgar Joseph Tan.
Inabutan din sa opisina ang mga nagsisiksikang tao na kukuha ng “payout” at mag-i-invest sa kompanya.
Ayon sa NBI, tumatanggap ang grupo ng investment o puhunan na mula P1,000 hanggang P10 milyon na ang kapalit ay malaking interes o tubo.
Pero wala raw kaukulang dokumento o lisensiya ang kompanya para gawin ito.
Bukod sa mga karaniwang manggawa, naengganyo rin at nabiktima ang ilang celebrity at social media influencers na hindi na pinangalanan ng NBI.
Mahaharap sa patong-patong na reklamo ang mga suspek kabilang na ang paglabag sa e-Commerce Act at syndicated estafa.
The post 10 sangkot sa investment scam timbog appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: