Facebook

Patutsadahan ng Presidentiables ‘22

HIGIT 50 days nalang at magsusumite na ng kandidatura ang mga kakasa sa presidential derby sa 2022.

At bagama’t wala pang opisyal na nagpapahayag sa pagtakbong pangulo, maliban kina Senador Ping Lacson at Sen. Tito Sotto na nag-anunsyo ng kanilang tandem, nagpapatutsadahan naman ang mga pasok sa top 5 sa presidential surveys kabilang si President Rody “Digong” Duterte na tatakbo raw Vice President at kanyang anak na si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio, Manila Mayor Isko Moreno, Senador Manny Pacquiao, at Vice President Leni Robredo. Si ex-Sen. Bongbong Marcos ay nakikiramdam lang pero nagsabing tatakbo talaga siya sa nasyunal.

Ang matinding nagpapatutsadahan ay sina Digong, Pacquiao at Isko.

Actually, sina Pacquiao at Isko ay sumasagot lang sa bawat birada ni Digong.

Ang latest attempt ng paggiba ng tropa ni Digong kay Isko ay tungkol sa “failure” daw ng Manila City government sa 2018 Anti-Drug Abuse Council Performance Audit.

Sa show cause order mula sa tanggapan ni DILG Undersecretary for Anti-Illegal Drugs, External Affairs RJ Echiverri, inatasan si Isko na magpaliwanag sa loob ng sampung araw kung bakit hindi siya dapat kasuhan ng administratibo.

Pero sablay ang order na ito ni Echiverri. Dahil si Isko ay naging mayor lamang simula 2019. Si Erap Estrada ang mayor ng Maynila noong 2018.

Agad binawi ni Echiverri ang show cause order matapos itong i-bash ng netizens. Ang tanga-tanga raw ni Usec. Oo nga!!! Hahaha…

Rumesbak naman si Isko, hindi kay Echiverri, kundi sa poon ng mga ito:

“Alam mo kasi ‘yung mga lider-lider na nasa opisina lang at natutulog ‘pag oras ng trabaho, gigising lang pagka-gabi na, malamang sa hindi mabobola yan ng mga nakapaligid sa kanya. Kaya hindi na niya alam kung ano ang nangyayari.” bira ni Isko, na sa tingin ko ay malaki ang tama niya. Hehehe…

Si Isko ay pumapangatlo sa presidential at pumapangalawa sa vice presidential surveys, kungsaan ang nangunguna ay si Sara, sumunod si Pacquiao, at pang-apat si Marcos.

Si Pacquiao naman ay katakot-takot na insulto ang inabot kay Digong. Wala raw itong alam, hindi nagbabasa. Aray ko!

Kaya ang resbak ni Pacquiao ay ibubunyag niya ang grabeng mga katiwalian sa administrasyon ni Duterte sa kanyang pagbalik sa Pilipinas, pagkatapos ng kanyang laban kontra Errol Spence sa August 21 sa USA.

Samantala, pinu-push ngayon ng PDP-Laban na faction ni Energy Sec. Al Cusi ang Go-Duterte (Bong-Digong) tandem. Lupet!

Si Bong Go ay matagal nang “secretary” ni Digong simula mayor pa ng Davao City ang huli.

Sa panayam ko naman kay Marcos nitong Biyernes ng umaga, sinabi niyang handa siyang makipag-alyansa kanino man kina Sara, Pacquiao o Isko.

Ang problema lang sa apat na ito ay kung sino sa kanila ang bababa sa Bise Presidente dahil lahat sila’y presidente ang target.

Ang isa pang malakas na presidentiable ay si VP Leni Robredo ng oposisyon.

Malalaman natin ito sa filing ng CoC sa Oktubre, 8 weeks mula ngayon. Abangan!

The post Patutsadahan ng Presidentiables ‘22 appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Patutsadahan ng Presidentiables ‘22 Patutsadahan ng Presidentiables ‘22 Reviewed by misfitgympal on Agosto 06, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.