Facebook

1,000 days nutrition program sa mga ina at sanggol, isinusulong

INSPIRASYON SA BUHAY: “… Kaya nga, kung kayo’y kumakain o umiinom, o anuman ang ginagawa ninyo, gawin ninyo ang lahat sa ikararangal ng Diyos…” (1 Corinto 10:31, Ang Tanging Daan Bibliya).

***

1,000 DAYS NUTRITION PROGRAM PARA SA MGA NANAY AT KANILANG MGA BAGONG SILANG NA SANGGOL, ISINUSULONG: Kailangang kumilos at tiyakin ng pamahalaan ang pagbibigay ng isang masustansiyang feeding program para sa mga ina at sa kanilang mga sanggol sa buong bansa, sa loob ng isanglibong araw (o halos tatlong taon) matapos mabuntis ang mga ina at isilang ang kanilang mga sanggol.

Ayon kay dr. Bernardo villegas, isang kilalang socio-political expert sa pilipinas, magagawa ito ng gobyerno sa pakikipagtulungan ng mga pamahalaang lokal sa lahat ng mga barangay sa bansa.

Mahalagang mapagkalooban ng masustantiyang nutrition program ang mga ina at ang kanilang sanggol upang tiyakin ang kalusugan at pagkakaroon ng matalinong pag-iisip ng mga bata dulot ng mga masustansiyang pagkain at inumin, dagdag pa ni dr. Villegas.

Sa kaniyang pagsasalita sa isang pampublikong forum ng labor party philippines noong sabado, julio 31, 2021, na pinangasiwaan ng kaniyang secretary general manny sd lopez, inihayag ni dr. Villegas “there should be a sustainable feeding program by the local government units to make sure the baby and the mother are given proper nutrition.”

Mahalaga ang masustansiyang pagkain ng mga ina at mga bata sa loob ng isanlibong araw mula noong ipinagbuntis ang bata hanggang sa ito ay maging tatlong taong gulang na, dahil ito ang magiging susi ng isang mas matalinong henerasyon ng mga kabataan, dagdag pa niya.

***

KAWALAN NG MASUSTANSIYANG PAGKAIN, DULOT AY MAHINANG TALINO: Walang halaga ang isang mabuting edukasyon sa bansa kung hindi naman nakakakain ng masustansiyang pagkain ang mga bata, dahil nasisira lamang ang utak ng mga bata sa mga pagkaing walang kuwenta, ayon kay dr. Villegas.

Ipinanukala ni dr. Villegas sa nasabing public forum ng labor party philippines noong july 30, 2021 na ang mga pamahalaang lokal ang pangangasiwain sa 1,000 days of proper nutrition program na ito, dahil sila na ang maituturing na frontliners sa ganitong gawain.

Sila nga naman ang nakakakila ng mga inang nagbubuntis at nagsisilang sa kanilang mga lugar, at sila ang higit na may kakayahan upang matiyak ang pagtupad ng mga ina at ng kanilang mga sanggol sa proyekto ng masustansiyang pagkain sa loob ng isanglibong araw.

Ang kawalan ng tamang nutrisyon, ayon kay dr. Villegas, ang dahilan kaya ang mga estudyanteng nagmumula partikular sa mga pampublikong paaralan ay nahihirapang makapasa man lamang, sa mga pandaigdigang pagsusulit pang-akademiya.

Naririto pa ang ibang mga pahayag ni dr. Villegas: “good education is useless if the child is not being fed properly. His or her brain already gets damaged by lack of nutrition. Whatever you will do in schools will always have limited effectiveness this is why students from public schools perform very poorly in international tests, they are not given necessary nutrition so they cannot absorb, because their brains are not fully developed… “

***

WALANG KUWENTA ANG GOOD EDUCATION, KUNG HINDI NAKAKAKAIN NG WASTONG PAGKAIN ANG MGA BATA: Ipinunto din ni dr. Villegas ang pagtiyak ng pamahalaan ng mahuhusay na farm to market roads sa mga kanayunan. Hindi natin aasahan ang pag-unlad ng mga magsasakang pilipino kung hindi nila madadala ang kanilang mga produkto sa mga merkado, o sa mga lugar na may mga bibli sa mga ito, ayon kay dr. Villegas.

Sinabi niyang ang mga bansang yumayaman ang mga magsasaka ay mga bansang namuhunan sa mahuhusay na mga kalsada mula sa mga sakahan patungo sa mga pamilihan, gaya ng thailand, vietnam, at japan.

Marapat tingnan ng pamahalaan ang posibilidad na ang build-build-build program nito ay ibahagi sa mga pamahalaang lokal, upang sila ang mamamahala sa pagtatayo ng mga kalsada, ayon pa kay villegas.

***

REAKSIYON? Tawag na: 0947 553 4855. Email: batasmauricio@yahoo.com. MANOOD, MAKINIG: Kakampi Mo Ang Batas, https://ift.tt/3jq7483, https://ift.tt/2Vmhld1, YouTube.com/kakampimoangbatas, Radyo Pilipino stations nationwide, at mga affiliated radio stations ng Kiss FM network, Sunrise News network, PowerNews Broadcasting Network, 95.5. J FM network.

The post 1,000 days nutrition program sa mga ina at sanggol, isinusulong appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
1,000 days nutrition program sa mga ina at sanggol, isinusulong 1,000 days nutrition program sa mga ina at sanggol, isinusulong Reviewed by misfitgympal on Agosto 02, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.