
Patay na ang dalawa sa apat na mangingisdang Chinese national nang abutan ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) kasama ang Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) sa karagatang sakop ng Barangay Canipaan, Rizal, Palawan.
Kinilala ang dalawang survivor na sina Fu Wanke, 40; at Lu Yunian, 39, habang inaalam pa ang pagkakilanlan ng dalawang nasawi at isa pang nawawala.
Ayon sa ulat ng PCG, nakatanggap ng impormasyon ang PCG Station Brooke’s Point kaugnay sa nasabing insidente.
Agad namang nakipag-ugnayan ang PCG Station Brooke’s Point sa PCG Sub-Station Rio Tubap para sa search and rescue (SAR) operations kasama ang MDRRMO Bataraza.
Namataan ng mangingisdang si Mario Mabuhay ang rescue boat lulan ang apat na Chinese national.
Nang lapitan ni Mabuhay ang rescue boat, napansin nitong patay na ang dalawa nang malunod at tangayin ng malakas na alon.
Isa rin sa kasamahan ng mga mangingisda ang patuloy pang pinaghahanap.
Sa ulat, Hulyo 9 nang maglayag mula Hainan, China ang mga mangingisdang Chinese at nagpalutang-lutang nang abutan ng masamang panahon mula August 1.(Jocelyn Domenden)
The post 2 mangingisdang tsekwa patay, 2 nasagip sa karagatan appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: