
MAKARAANG mag-alburuto nitong si former Senator Antonio Trillanes at putakan ng husto si VP Leni Robredo sa ginawa nitong pakikipagpulong kay Pink este Ping Lacson,tila initially ay nakamit na ng huli ang pangunahing layon nito ng sirain ang oposisyon partikular na ang Robredo- led Liberal Party (LP).
Initial victory nang maituturing para kay Lacson ang reaksyong ito ni Trillanes na kumakatawan di lamang sa LP kundi sa Partido Magdalo rin.
Ngayon pa lamang diskaril na agad mga plano ni VP Leni at maging itong si Trililing.
Iba iba na mga press releases.Sabi ni Trillanes tatakbo siyang presidente and at the same time sinasabi nya rin na susuportahan niya si Robredo as their standard bearer sa pagka-pangulo sa oposisyon.
Which is which nga ba former Senator Trillanes?
Going back dito kay Pink Lacson,bagamat wala itong kapag-apag-asang manalo sa 2022 national elections,ngayon pa lang ay panalo na siya.
Sa dami ba naman ng kuwartang pumasok na at papasok para to finance his candidacy as president.
Di natin ma-imagine kung gaano katagal bibilangin nitong si Lacson at Sotto ang kuwartang kanilang matatanggap mula sa kanilang mga patron na magpopondo sa kanilang kandidatura.
Ngayon pa nga lamang na wala pang filing ng candidacy,nakapagbigay na umano ng 2 bilyong pisong panggastos ang isang prominent Chinese clan sa dalawa.
Two billion pesos my God!
Saan mo man tingnan panalo na itong sina Lacson at Sotto.
Ibang klaseng raket nga naman hehehe.
Ang alam natin,di lang dito manggagaling ang biyayang darating para sa dalawa kundi sa isang bigtime Dennis na iba naman ang agenda at naisin mangyari.
Kung baga sa lengguwaheng kalye,”lagareng hapon” itong si Pink at Tito Sen.
Pagsinusuwerte ka nga naman!
Di bale ng perde o biyahe ang laban mo basta sulit at paldong paldo ang bulsa.
Money talks ika nga!
Yan ang 1001 diskarte ng maruming klase ng pulitika dito sa ating bansa.
Hanggat nakakarami ang mga mahihirap at dukhang Pinoy na bobotante,mananatiling kuwarta ang sukatan sa panalo ng isang kandidato o aspirante.
Ngayon pa lamang,sankaterbang mga business tycoons ang kanya-kanya nang taya sa mga kandidato.
Yung mga tuso ngang negosyante,tatlo tatlo pa ang tinayaang candidates para sigurado ang panalo.
Biruin mo,anim (6) na taong mamamayagpag ang interes ng mga negosyo mo sa buong Pilipinas.
Tubong lugaw talaga.
Yan naman talaga ang kalakaran ng pulitika dito sa ating bansa.
Pero at this point in time,manghihingi na tayo ng balato dito kay Lacson at Tito Sen hehehe.
Kahit pa nga may pandemya,titak ng White Christmas na talaga ang dalawang kolokoy!
Di po ba Mr.Dennis Uy?
Uy uy uy araguy!
May kasunod…
Abangan!
***
PARA SA INYONG KOMENTO,REAKSYON AT SUHESTIYON,MAGTEXT O TUMAWAG LAMANG SA CP NO.0917-823-9628 O MAG-EMAIL LAMANG PO SA mhelbaraquiel1027@gmail.com
The post LACSON HALFWAY NA SA PAGGIBA SA OPOSISYON appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: