Facebook

2 tulak bulagta sa drug ops sa SoCot

KORONADAL CITY – Binawian ng buhay ang dalawang drug suspects nang manlaban sa mga otoridad sa isinagawang drug buy-bust operation sa bayan ng Polomolok South Cotabato.

Kinilala ni PLt. Reden Cuevas, Deputy Chief of Police ng Polomolok MPS ang mga nasawing suspek na sina Arnel Davilla at Edward Cordevilla Jr.

Isinagawa ang nasabing operasyon ng pinagsanib na pwersa ng PDEA-12 at Polomolok PNP.

Ayon kay Cuevas, nabilhan ng operatiba ng illegal na droga ang mga suspek subali’t nakatunog ang mga ito na pulis ang kanilang ka transaksyon dahilan upang manlaban ang mga ito at napatay ng raiding team.

Narekober sa crime scene ang isang kalibre 38 revolver, 1 home-made weapon, mga bala, P1,000 na buybust moner at mga personal na kagamitan.

Samantala, arestado rin ang 3 pang mga drug suspects na kinilalang sina Roxan Francis Noceda alyas Roxan Noceda, 33; Fatima Siddik, 28; at Ranches Siddik, 24 anyos, sa Prk Hechanova, Brgy. Poblacion, Polomolok South Cotabato.

Sa ngayon mahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang nahuling mga suspek.

The post 2 tulak bulagta sa drug ops sa SoCot appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
2 tulak bulagta sa drug ops sa SoCot 2 tulak bulagta sa drug ops sa SoCot Reviewed by misfitgympal on Agosto 07, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.