Facebook

‘Pinas, patuloy na makakapagtala ng mataas pang kaso ng COVID-19 sa mga susunod na araw

SINABI ng Department of Health (DOH) na patuloy pang makakapagtala ang Pilipinas ng mataas na kaso ng COVID-19 sa mga susunod na araw.

Ang pahayag ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire ay matapos na makapagtala ang bansa ng mahigit 10,000 kaso ng bagong impeksiyon nitong Biyernes.

Aminado naman si Vergeire na ang mga naturang bagong kaso ng COVID-19 ay maaaring dulot ng mas nakakahawang Delta variant ng COVID-19.

“So nakikita na po natin na sumisipa na ang mga kaso, tumataas na po ang kaso, nararamdaman na po natin ang epekto ng Delta variant sa ating bansa. Amin pong nakikita, based on projections, tataas pa rin po ang mga kasong ito,” ayon kay Vergeire, sa isang public briefing.

Idinagdag pa ng opisyal na ang ipinaiiral ng pamahalaan na mas mahigpit na lockdowns ay naglalayon lamang na mapabagal ang pagdami ng COVID-19 infections at maihanda ang health care system ng bansa, ngunit hindi pa rin aniya matitigil ang pagdami ng mga kaso ng sakit.

“Ito pong ginagawa nating paghihigpit… hindi niyan papatigilin. Tuloy pa rin ang pagtaas,” paliwanag pa ni Vergeire.

Sa kabila naman nito, sinabi ni Vergeire na hindi pa rin maideklara ng DOH ang community transmission ng Delta variant ng COVID-19 ngunit tiniyak na tinutugon ng mga health authorities ang COVID-19 situation sa ngayon, nang tila ba mayroon nang community transmission.

Ang Metro Manila, Laguna, Cagayan De Oro, at Iloilo City ay kasalukuyan nang nakasailalim sa enhanced community quarantine (ECQ) upang mapigilan pa ang pagkalat ng COVID-19, partikular na ang mas nakahahawang Delta variant nito. (ANDI GARCIA)

The post ‘Pinas, patuloy na makakapagtala ng mataas pang kaso ng COVID-19 sa mga susunod na araw appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
‘Pinas, patuloy na makakapagtala ng mataas pang kaso ng COVID-19 sa mga susunod na araw ‘Pinas, patuloy na makakapagtala ng mataas pang kaso ng COVID-19 sa mga susunod na araw Reviewed by misfitgympal on Agosto 07, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.