Facebook

Abalos, kumilos laban sa fake news

HINIHIKAYAT ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) chairman Benhur Abalos ang publiko na tigilan ang pagpapakalat at paniniwala sa mga maling impormasyon.

Pinaiimbestigahan din ni sa National Bureau of Investigation (NBI) ang mga taong nasa likod ng pagpapakalat ng mga tsismis na hindi bibigyan ng ayuda ang mga taong hindi bakunado ng COVID-19 vaccine sa panahon ng enhanced community quarantine (ECQ) sa Metro Manila.

Sa ipinadalang sulat ni Abalos kay NBI Officer-in-Charge Eric Distor, hiniling nito na alamin kung kanino nagmula ang fake news na ito upang mapanagot sa batas.

“I am requesting your Bureau to initiate the investigation of the said fake news in order for those persons responsible therefore to be held accountable in causing unruliness at the vaccination sites and thereafter to file the necessary charges against them,” pahayag ni Abalos sa kanyang liham.

Sabi pa ni Abalos, walang basehan ang naturang pahayag at nilinaw nito na bibigyan ng P1,000 hanggang P4,000 ang lahat ng mahihirap na residente kahit sila ay hindi pa bakunado.

“To set the record straight, the distribution of ‘ayuda’ and/or benefits or privileges is not anchored on whether an individual has been inoculated or not,” paglilinaw ni Abalos.

Ang nabanggit na tsismis aniya ay naging sanhi ng pagka-alarma at pagdagsa ng mga tao sa vaccination sites sa Manila, Las Piñas at Masinag sa Antipolo City.

“Everything was in order until the proliferation of these fake news. This misinformation would affect not only the vaccination process and target, but would cause harm to peoples’ lives,” dagdag pa ni Abalos.

Ani Abalos, ang 17 local governments sa National Capital Region (NCR) ay naka-commit para magbakuna ng libong doses araw-araw sa loob ng dalawang linggong ECQ at ang mga tsismis ay hindi makatutulong para makamit ang layuning ito.

Sa mga gumagawa ng panggugulong ito, magkaroon sana kayo ng takot sa Diyos. Mga inosenteng mamamayan ang naaapektuhan sa ginagawa ninyo at may gaba o karma ‘yan.

At sa publiko naman, huwag maniwala sa mga nababasa sa social media o tsismis ng kapitbahay. Kumuha lang ng impormasyon sa mapagkakatiwalaang sources gaya ng lehitimong media outlets at sa mga advisory ng gobyerno mismo.

***

Maaring mag-text o tumawag sa 0917-5225128 para sa anumang reaksyon o impormasyon.

The post Abalos, kumilos laban sa fake news appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Abalos, kumilos laban sa fake news Abalos, kumilos laban sa fake news Reviewed by misfitgympal on Agosto 11, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.