Facebook

Covid-19 Kappa at Lambda variant ‘di umano tinatablan ng bakuna

ISANG panibagong COVID-19 variant na hindi umano tinatablan ng vaccine ang pinangangambahang kumalat sa Europa.

Ito’y matapos bawian ng buhay ang pitong residente sa isang nursing home sa Zaventem, Belgium bunsod ng outbreak ng B.1.621 o COVID-19 Kappa variant na unang nadiskubre sa Colombia noong Enero.

Ayon sa European Centre for Disease Prevention and Control, fully vaccinated na ang 7 pasyente habang 21 iba pa ang nahawaan batay sa isinagawang test.

Pawang nasa edad 80 hanggang 90 na ang mga binawian ng buhay.

Na-detect din sa britanya ang nasabing variant kung saan mayroon ng 37 kaso.

Gayunman, hindi pa mabatid ng mga siyentista kung mas nakahahawa ang Kappa kumpara sa Delta, Lambda at Epsilon variants.

Samantala kinumpirma ng Japanese Health Ministry na nakarating na sa kanilang bansa ang kinatatakutan at pinangangambahang vaccine-resistant COVID-19 Lambda variant.

Nadetect ang nasabing variant sa isang babaeng nasa edad 30 nang dumating ito sa Haneda airport sa Tokyo mula Peru noon pang Hulyo 20 o tatlong araw bago ang pagsisimula ng 2020 olympics.

Nagpositibo ang babae sa COVID-19 nang magsagawa ng quarantine check sa airport pero walang mga sintomas.

Nakumpirma lamang na Lambda variant sa isinagawang analysis ng National Institute of Infectious Diseases ng Japan.

Ang naturang variant na sinasabing mayroong mataas na fatality rate ay unang nadiskubre sa Peru noong Agosto ng isang taon at kasalukuyang kalat na umano sa South America?

PAGBABAKUNA SA MGA BATANG EDAD 12-17, POSIBLE NA SA SUSUNOD NA BUWAN

Samantala nabatid na aabot kasi sa 26 milyong doses ng bakuna ang kailangan ng gobyerno para mabakunahan ang lahat ng mga kabataang kabilang sa nasabing edad

Una nang inaprubahan ng Food and Drug Administration (FDA) ang pagbibigay ng Emergency Use Authorization (EUA) sa Pfizer-BioNTech para sa mga nasabing edad

Habang nagpasa na rin ng aplikasyon ang Chinese Pharmaceutical Company na Sinovac para magamit ang kanilang bakuna sa mga kabataan

***

Para sa inyong mga suhestyon, reaksyon at opinyon mag-email lang sa balyador69@gmail.com.
Ugaliing makinig sa programang “BALYADOR” at “WALANG PERSONALAN TRABAHO LANG” mula lunes hanggang linggo 11:00am-12:00noon sa RADYO NG MASA entertainment net radio. tuwing sabado at linggo 12:00nn-12:30pm sa DWBL 1242 kHz am band, tuwing martes 9:30am RADYO NATIN 105.3 FM Pinamalayan at 10:00am RADYO NATIN 102.9 FM Victoria, tuwing huwebes 9:00-10:00am sa 96.9 FM RADYO NATIN Calapan City. Mapapanood livestreaming at Youtube live!

The post Covid-19 Kappa at Lambda variant ‘di umano tinatablan ng bakuna appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Covid-19 Kappa at Lambda variant ‘di umano tinatablan ng bakuna Covid-19 Kappa at Lambda variant ‘di umano tinatablan ng bakuna Reviewed by misfitgympal on Agosto 11, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.