LABIS na ikinatuwa at hindi maiwasang saluduhan ni Senator Bong Go ang isang pribadong indibidwal na boluntaryong ipinagkaloob ang Hospital Command Center para ipagamit sa publiko.
Mga Ka Usapang HAUZ nakiusap ang negosyanteng nagkaloob ng hospital command center sa magiting na Senador na huwag na siyang pangalan subalit hindi umubra dahil labis labis ang pasasalamat ng ating Kuya Bong kay Jojo Soliman na siyang may-ari ng Soliman Pure Group of Companies.
Nitong nakalipas na Lunes pormal ng inilunsad sa publiko ang One Hospital Command Center bilang National Patient Navigation Referral Center sa PICC, Pasay City sa pangunguna ni Senator Go.
Ang OHCC Ka Usapang HAUZ ang siya mismong aayos sa proseso ng koordinarsyon ng mga iba’t ibang ospital at iba pang mga pasilidad para sa pag-refer at paglipat ng mga pasyente.
Pahayag ni Senador Go, natutuwa siya partikular kay Soliman na siyang brain child ng proyekto sa patuloy na pag-unlad at pagbuti ng serbisyong ibinibigay ng OHCC upang agad matugunan ang mga pangangailangan ng mga pasyente at maiwasan na ang mahabang pila sa mga pagamutan.
Ang OHCC ay handang umalalay sa mga pasyente para malaman nila kung saang ospital ang may bakante pang kama at iba pang mga serbisyo.
Kasama ang ibang mga opisyal ng pamahalaan, tiniyak ni Kuya Bong Go na gagawing prayoridad ng pamahalaan ang kalusugan ng bawat Pilipino lalo na sa panahon ng pandemya.
May nasagap tayong magandang balita tungkol kay Olympic gold medalist Hidilyn Diaz pinagkalooban pala ni Mr. Soliman ng isang unit sa kanyang town house ang Pinay Barbelista ni hindi man lang pumutok ang balita
Kabi-kabila rin pala ang natatanggap na award ni Mr. Soliman tulad ng Bukas Parangal ng Kadakilaan mula sa (NDRRMC) na walang takot na sinusuong ang panganib sa pagliligtas ng buhay sa tuwing may mga kalamidad.
Kung iisa isahin pa natin ang mga nagawang tulong ni Soliman sa ating mga kababayan na wala man lang kaingay ingay malamang masakop na nito ang isang pahina ng pahayagang Police Files Tonight kung kaya’t ang tanging masasabi ng Usapang HAUZ Mabuhay po kayo and God Bless
***
Biglang pumutok ang balita sa tambalang Cong. Alan Cayetano at Manila Mayor Isko Moreno o Yorme Isko Cong. Alan sa 2022 alam nyo kung bakit?
Katatapos lang ng presscon ng dating House Speaker sa balwarte nito sa Taguig ng sorpresang dumating si yorme isko at siyempre iisa ang iniisip ng mga reporter ang sanib pwersa ng dalawa.
Sa pangungulit ng mga house media nagsalita si Cayetano na hindi politika ang kanilang napagusapan ni yorme Isko kundi ang pagbawas ng National Government sa perang pang ayuda sa muling pag lockdown sa NCR.
Tila sa balwarte ni yorme Isko P35M ang ibinawas habang sa siyudad ng Taguig ay P80M ang matindi nito sa Lungsod Quezon ay P100M hindi nila maintindihan kung bakit binawasan.
Paliwanag ni Cayetano, bakit kailangang bawasan sa halip na dagdagan kaya kailangan talagang maisabatas na ang 10K Ayuda na siyang makakatulong sa mahihirap nating kababayan.
Nais din ni Cayetano sa mga nagnanais tumakbo sa pagkapangulo na magkaroon ng isang dialogue at ilatag ang kani kanilang 5 years plan para sa pagpapatakbo ng bansa.
Sa susunod na buwan September ay ihahayag na ng Taguig Pateros Representative ang kanyang plano sa pagtakbo bilang Pangulo ng bansa o mag re-elect bilang kongresista.
***
Anumang Reaksiyon Puri at Puna maaaring mag email sa cesarbarquilla2014@yahoo.com or mag Txt o tumawag sa 0935-2916036
The post Bagong One Hospital Command Center bukas na sa publiko! at Isko-Cayetano sa 2022? appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: