Facebook

Sa labanang Pangulo sa 2022, Yorme Isko is the man to beat

NILULUTO na raw ang Bongbong Marcos-Sara Duterte tandem o vice versa para 2022 presidential elections.

Kaya kaliwa’t kanan na ang mga aplikanteng propagandista para ipanalo kuno sina BBM at Sara, ganun?

Ang latest, handa raw gumastos ng todo ang dating First Lady Imelda Marcos, at lahat umano ay gagawin nito para maipanalo ang kanyang anak na si Bongbong.

Dahil nagkukumahog na sila sa biglang taas ng rating ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno kahit na wala pa namang pormal na deklarasyon na tatakbo itong pangulo sa 2022 ay inaalipusta, hinahamak, ginigiba ng todo, binu-bully, nilalait at ipinahihiya na nila ito sa publiko.

Ika nga ng aking barberong si Ka Edwin, Yorme Isko is the man to beat sa labanang pangulo sa Mayo 2022.

Kung tatakbo nga si Yorme Isko sa Panguluhan, wow magiging masaya ang rambulan kasi nga bukod kina BBM at Sara Duterte ay tatakbo rin sina Sen. Ping Lacson, Sen. Manny Pacquiao, VP Leni Robredo at Sonny trillanes.

At dahil nga tumaas ang rating ni Yorme Isko, at inaantay ang sagot nitong oo na lalabang pangulo sa 2022 ay sankaterba nang bilyonaryo ang buma-back-up sa kanya.

***

At dahil malayo pa naman ang elekiyon ay tutok muna si Yorme Isko sa kanyang trabaho as Manila Mayor, at inuuna ang kapakanan, ang kabutihan ng mga Batang Maynila, kesa politika.

Sa ngayon ipinamamadali ni Yorme ang tatlong vertical housing projects – Tondominium 1, Tondominium 2, at Binondominium – para makumpleto at matapos sa katapusan ng Enero 2022.

Gusto kasi ni Isko na mawala na ang iskwater sa Maynila, at noon pa niya pinangarap ito, at itong proyektong ito ang sagot sa problemang ito.

Ika nga ni Yorme Isko, kung nagawang mabura ng Singapore ang iskwater, sisikapin din niyang magawa iyon sa Maynila.

“…Mawawala na rin ang iskwater sa Maynila pagdating ng panahon.”

Sa Maynila, Kilos bilis!

***

Usap-usapan na rin sa 6 na distrito ng Maynila, na kung sakaling iwan ni Yorme Isko ang city hall, sino-sino ang tatakbong meyor sa malawak na karerahang mabubuksan?

Mabigat na kalaban ang nag-iisang three-term dating Councilor ngayon ay Vice Mayor Dr. Honey Honrado Lacuna-Pangan.

Bagyo sa Manilenyo ang iniwang agimat at alamat ni dating VMayor Danny Lacuna na siyang GodFather ni Yorme Isko sa politika.

Itong tatay ni VM Honey ang umampon kay Isko at napakalaki ng isinugal para maging tatlong ulit na konsehal at tatlong ulit na vice mayor si Isko bago naging pinakabatang alkalde ng Maynila.

Ang latest, napipisil na i-tandem umano kay VM Lacuna ay si 3rd district Rep. Yul Servo, na dati ring konsehal ng ika-3 distrito.

Tatakbo kaya uli si dating mayor at partylist Cong. Lito Atienza?

***

Sakaling tumakbo ngang presidente si Yorme Isko sa ay nagpahayag na rin ng intensyong tumakbong mayor itong si Atty. Manny Lopez ng District 1 na balwarte ng yumaong ama niyang si dating Mayor Mel Lopez.

Ang distrito 1 at 2 ay kilalang balwarte ng pamilya Lopez.

Makabalik pa kaya sa cityhall ang pangalang Bagatsing ng District 5 at nagpaparamdam na rin na si Cong. Benny Abante, dating Cong. Sandy Ocampo at dating majority leader, Atty. Cassy Sison ng District 6.

Tiyak na magiging masaya ang rambulan sa Maynila sakali ngang tumakbong presidente si Yorme Isko sa 2022.

***

Balik tayo kay Yorme Isko, ano ba talaga ang balak niya sa 2022: muli ba siyang tatakbo para sa ikalawang termino, o sundin ang malakas na panawagang siya ay tumakbong presidente.

Lumalakas ang mga panawagang tumakbo siyang pangulo sa 2022 at paniwala ng maraming political analyst, malinaw na ang mga ginagawa niyang pagsusumikap para maging numero unong progresibong siyudad ang Maynila at magagandang akomplisment nito ay magtutulak sa maraming botante na iboto siya sa panguluhan kung maisipan niyang tumakbo sa 2022 presidential elections.

Abangan!

***

Para sa inyong mga suhestyon, reaksyon at opinyon ay mag-email lang sa bampurisima@yahoo.com.

The post Sa labanang Pangulo sa 2022, Yorme Isko is the man to beat appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Sa labanang Pangulo sa 2022, Yorme Isko is the man to beat Sa labanang Pangulo sa 2022, Yorme Isko is the man to beat Reviewed by misfitgympal on Agosto 11, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.