Facebook

Alyas ‘E. Mabagsik’, jueteng queen na drug dealer pa sa Batangas?

NAPAKATINDI pala ng isang babae sa Batangas na itago nating sa alyas na “E. Mabagsik” dahil namamayagpag pala ito sa jueteng.

Ayon sa source, nakabase si alyas E. Bagsik sa Tanuan City, ngunit ang saklaw ng iligal na pahuweteng nito ay halos buong Batangas.

Napakalawak pala!

Pokaragat na ‘yan!

Siya ang kinikilalang ‘Reyna’ ng jueteng sa Tanauan at ibang lungsod at bayan sa Batangas.

Ang gamit ni alyas E. Mabagsik sa kanyang jueteng business ay bookies ng small town lottery (STL) ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).

Ngunit, napag-alaman ng BIGWAS! na peke umano ang STL sa Batangas sapagkat walang inisyuhan na kahit anong korporasyon o indibidwal si PCSO General Manager Royinba Garma ng prangkisa at permit upang ilatag at ilarga ang STL sa Batangas.

Kaya, kahit sinong malakas at kadikit ni Gobernador Hermilando Mandanas ay walang karapatan at kapangyarihan gamitin at isangkalan ang STL ng PCSO sa Batangas, lalo na siyempre kung bookies ang operasyon nito.

Sigurado akong alam ito ni alyas E. Mabagsik dahil hindi naman ignorante o bobo ang jueteng queen na ito.

Idiniin ng source na ang mga kasapakat nitong alyas E. mabagsik na ito sa jueteng ay sina alyas “Ms. Anabel” ng Pantay na Matanda, alyas “Ms. Lilian” ng Brgy. Sambat at alyas “Ms Donna” ng Brgy. Pantay na Bata at Pantay na Matanda.

Pokaragat na ‘yan!

Pawang mga batikan pala ang mga kaututang-dila ni alyas E. Mabagsik sa iligal na sugal, ngunit kaduda-dudang hindi kumikilos si Gobenardor Mandanas at Philippine National Police (PNP).

Hindi kaya aprubado sa nagpapakilalang “kolektor” ni Mandanas na si alyas “Father”?

O, baka naman nakatimbre na kay alyas “Kap. Biskkotso”, ang isa ring jueteng operator na bantog ngayon sa Batangas na ipinangungolekta sa lahat ng jueteng operators at sindikato ng ‘paihi’ ng produktong petrolyo sa lalawigan.

Kaya, napakalayang namamayagpag ang iligal na sugal ni alyas E. Mabagsik.

Sa Barangay Janopol sa Lungsod ng Tanuan po nagpaparebisa ang kampo ni alyas E. Mabagsik ng STL bookies o jueteng.

Ngayon, alam na ninyo ha!

Ayon sa source, ang matindi sa alyas E. Mabagsik na ito ay lumalabas ang kanyang pangalan bilang notoruys na personahe sa larangan ng drug trafficking.

Pokaragat na ‘yan!

Idiniin ng source na ang jueteng queen na ito na nakabase sa Tanuan City ay “supplier” daw ng methamphetamine hydrochloride na higit kilala sa tawag na “shabu” o “meth”.

Idiniin ng maraming residente ng Batangas na pihadong kaladkad na kaladkad ni alyas E. Mabagsik at ng kanyang mga kasapakat sa jueteng o STL bookies ang pangalan nina Gobernador Mandanas at PNP Region 4-A Director, Brigadier General Eliseo DC Cruz.

Ilang buwan pa lamang si Cruz sa Rehiyong Calabarzon (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal at Quezon) ay ‘putok’ na ang kanyang pangalan sa iligalidad dahil sa mokong na si alyas Kap. Biskkotso.

Pokaragat na ‘yan!

Kung kaladkaran din lang ng pangalan ang pag-uusapan, maging ang pangalan ni Tanauan City Mayor Angelina “Sweet” Halili ay damay na rin.

Sabi pa ng source, gasgas na ang pangalan ni Halili dahil kay alyas E. Mabgasik at ang kanyang kasamahang mga babae sa jueteng.

Alam kaya ni Mayor Halili na ipinangangalandakan ng pangkat ni alyas E. Mabagsik sa buong Tanauan na pinondohan ng kanilang organisasyon ang kandidadura ng alkalde noong eleksyong 2019?

Kung totoo ito, huwag naman sana sa bookies STL o jueteng at ilegal na droga nanggaling ang suportang pinansiyal ng pangkat ni alyas E. Mabagsik noong nakalipas na halalan?

Idinugtong pa ng ating impormante na ang iba pang jueteng at kilalang drug pusher sa Tanauan ay si alyas “Tano” ng Brgy. Trapiche, alyas “Benir”, alyas “Angel”, alyas “Ablao” at alyas “Melchor” ng Brgy. Darasa, alyas “Kap. Mario” ng Brgy. Pantay ni alyas “Bata, Jr. Biscocho”, “Lito” ng Putuhan, ng Brgy. 7 at alyas “Konsehal Piriz” ng Poblacion.

Ang mga jueteng at drug financiers sa Lungsod ng Tanauan pa rin ay sina alyas “Okampo” ng Brgy. Bagbag, “Imel”, “Ranil”, “Aldirin” , “Tirio”, “Angke” at “Lawin” ng Brgy. Pantay na Bata at Pantay na Matanda, “Ruwel”, “Biranya” ng Brgy. Trapiche, “Engke”, “Cansio”, “Damas” at “Dextir” ng Brgy. Ulango.

Wala pa akong nababalitaang ipinaarsto yang mga ‘yan ni Brig. Gen. Cruz o ng PNP-Batangas o maski PNP ng Lungsod ng Tanuan.

Bakit?!

The post Alyas ‘E. Mabagsik’, jueteng queen na drug dealer pa sa Batangas? appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Alyas ‘E. Mabagsik’, jueteng queen na drug dealer pa sa Batangas? Alyas ‘E. Mabagsik’, jueteng queen na drug dealer pa sa Batangas? Reviewed by misfitgympal on Agosto 05, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.