Facebook

Ping-Sotto, ‘di daw pakawala ng gobyerno

HABANG papalapit ang eleksyon ay nagiging makulay na ang mga usaping pulitika sa bansa.

Pormal nang nagdeklara si Sen. Panfilo “Ping” Lacson na tatakbo siya sa pagka-Pangulo sa 2022 elections at si Senate President Vicente “Tito” Sotto III naman ang kanyang magiging running mate.

Ani Sotto, na siyang kasalukuyang chairman ng Nationalist People’s Coalition (NPC) chairman, corny man pakinggan ay pagmamahal sa bayan ang nagbunsod sa kanila na tumakbo.

Isusulong daw nila ang platapormang KKK – “Kakayahan, Katapatan, Katapangan” (Ability, Honesty, Courage) at ngayon pa lang ay inilahad na nila ang kanilang senatorial lineup kung saan kasama ang mga nagbabalik na Senador na sina Loren Legarda at Francis “Chiz” Escudero at gayundin ang kasalukuyang Senador na sina Richard “Dick” Gordon at Emmanuel “Joel” Villanueva.

Sila daw ay hindi pro-administration o pro-opposition at nais lamang nilang maging alternatibo.

Mahigpit din ang pagde-deny ni Sotto na sila ay ‘pakawala’ ng gobyerno para hatiin ang oposisyon. Aniya, hinding-hindi sila magpapagamit kahit kanino dahil hindi sila uto-uto at hindi rin sila mabibili ninuman.

Sumakto ang pormal na pagdedeklara nina Lacson at Sotto ng kanilang kandidatura bilang President at Vice President para sa 2022 elections sa bali-balitang hindi na daw interesado pang tumakbo sa pagka-Presidente si Vice President Leni Robredo.

Kung totoo ito, mas maganda siguro kung susuportahan na lamang niya ang kandidatura ni Lacson at Sotto nang sa gayon ay magkaroon ng pagkakaisa ang oposisyon dahil mas mahihirapan sila kung watak-watak at marami ang lalaban sa sinumang mamanukin ng administrasyon.

Mataas pa rin kasi ang popularidad ni Pangulong Duterte sa ngayon kaya kung sinuman ang ieendoso niya bilang susunod sa kanya ay magkakaroon pa rin talaga ng malaking pakinabang sa labanang 2022.

Mahalaga sigurong tignan ng publiko ang kwalipikasyon ng mga kandidatong tatakbo sa pagka-Pangulo ng bansa, lalupa’t mahirap ang kakaharapin ng sinumang magmamana ng trono ni Duterte. Sa utang pa lang, trillions ang bubunuin ng susunod na administrasyon.

Sa ganang akin, maganda naman kung tutuusin ang mga kwalipikasyon ni Lacson dahil hindi lingid sa atin ang mga hinawakan nitong posisyon sa gobyerno. Matalino din siya at may dibdib.

Malayo pa ang eleksyon kaya marami pa ang maaring mangyari. Si Lacson na nga ba ang dapat na maupo sa Malakanyang sa 2022? Abangan!

***

Maaring mag-text o tumawag sa 0917-5225128 para sa anumang reaksyon o impormasyon.

The post Ping-Sotto, ‘di daw pakawala ng gobyerno appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Ping-Sotto, ‘di daw pakawala ng gobyerno Ping-Sotto, ‘di daw pakawala ng gobyerno Reviewed by misfitgympal on Agosto 05, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.