INIHAYAG ni Labor Secretary Silvestre Bello III na papayagan nang makapasok sa Hong Kong mula Agosto 30 ang mga manggagawang Pilipino na nabakunahan sa Pilipinas kontra COVID-19,
Ayon kay Bello, pumayag na ang Hong Kong na tanggapin ang maipapakitang vaccine cards ng mga OFWs mula sa Bureau of Quarantine ng Pilipinas.
Tinatayang aabot sa 3,000 OFWs na naghihintay ng kanilang deployment sa Hong Kong ang magbebenepisyo sa development na ito.
Nauna nang hindi pinayagan ng Hong Kong na makapasok sa kanila ang mga nabakunahan kontra COVID-19 sa Pilipinas.
The post Bakunadong OFWs sa Pinas makakapasok na ng Hong Kong simula Aug. 30 appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Bakunadong OFWs sa Pinas makakapasok na ng Hong Kong simula Aug. 30
Reviewed by misfitgympal
on
Agosto 23, 2021
Rating:
Walang komento: